Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UST-NU sa SSL Finale | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinagpang ng University of Santo Tomas ang karibal na Far Eastern U, 25-21, 25-20, 19-25, 25-20, sa knockout semifinals upang umabante sa championship round ng 2023 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pumukol ng 21 puntos sa 17 attacks at 4 na tapal ang super rookie na si Angeline Poyos upang gaba-yan ang Golden Tigresses patungo sa best-of-three finals kontra sa reigning champion at unbeaten National University.

Sa Biyernes lalarga ang best-of-three finals ng dalawang koponan na magsisilbi ring rematch matapos silang unang magharap sa semifinals ng SSL Season 1.

Sumuporta kay Poyos sina Jonna Perdido at Regina Jurado na may 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa koponan ni coach Kungfu Reyes.

Nagawa ng UST na makasampa pa rin sa finals sakay ng dalawang sunod na panalo matapos muntikang malaglag sa quarterfinals kahit armado ng twice-to-beat advantage.

Yumukod ang Golden Tigresses sa 2-time NCAA champion na College of St. Benilde Lady Blazers.

Makakaharap ng FEU sa bronze medal match ang Adamson, na siyang tinalo ng NU sa kabilang semis bracket habang magpapangbuno para sa fifth spot ang St. Benilde at UE.

Sabong naman sa No. 7 ang Ateneo at Arellano para kumpletuhin ang Top 8 ng SSL Season 2.

Read more on philstar.com