Pia, idol si Heart?! | Pang-Masa
Parang confirmed talaga na iniidolo ni Pia Wurtzbach si Heart Evangelista? O sinusundan-sundan nga ba ng former beauty queen kung saan may endorsements ang actress at international model?
Nito kasing June lang, naging Friend of the House (endorser) din si Pia ng Italian high jewelry brand Bulgari eh matagal nang hawak ito ni Heart.
Tapos nitong recently naman, naging part naman si Pia ng Autumn/Winter campaign ng ION Orchard – Singapore na si Heart ang Global Ambassador.
Coincidence lang ba ang mga ito? O gaya-gaya na talaga? He-he-he. O baka naman nagkakasulutan na ng endorsements, ‘di kaya?
Dahil dito, hindi tuloy maiwasan ng netizens na mag-comment na mukhang copycat si Pia ni Heart dahil pati IG posts ay ginagaya na raw.
Pati sa Paris Fashion Week, hindi makapigil ang fans na okrayin si Pia. Ang tawag nga nila dito ay “second rate.” Totoo ba?
Kung nag-uumpisa pa lang si Pia sa Paris, si Heart naman ay isa sa nag-open at naglakad mismo sa runway para sa show ni Vietnamese designer Phan Huy. Inirampa dito ni Heart ang Look No. 2 mula sa Giang Lagoon collection ni Phan.
Ang Look No. 2 ay isang black dress na nagmula ang inspirasyon sa mga fishing river and fishing area sa Central Vietnam.
After rumampa ni Heart, kahit wala pang pahinga, tuloy pa rin siya sa pag-attend sa ibang runway shows for Hermes, Yves Saint Laurent, and Giambattista Valli.
More than a week na palang may sakit ang mahusay na actress na si Iza Calzado.
Masyado raw niyang inabuso ang katawan.
Kaya pinaalalahanan daw siya ng Diyos na kailangan niyang mamili ng mga kailangang gawin.
At noted sa kanya ‘yun. Ang kumpletong post niya tungkol dito: “Pharyngitis. Bronchitis. Not cutesy.
“My cough and nasal congestion. Not very demure.
“Over a week now of being sick and even missing out on some work commitments. Pushed my body too hard again. Almost our entire household got sick but I was the one who got it bad. From losing my voice to developing bronchitis, this is definitely a wake up call to be even more mindful.
“Mindful of my overall health and well being.
“Mindful of my boundaries.
“Mindful of where my energy goes.
The silver lining here is that it all happened before work and life schedule