Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Pinas kakampi sa Israel – Pangulong Marcos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakampihan ng Pilipinas ang Israel matapos ang pag-atake ng militanteng Palestinian grupong Hamas.

Ang pahayag ay ginawa ni Marcos matapos ang pakikipagpulong nito kay Israeli Ambassador Ilan Fluss sa Malakanyang kamakalaw ng hapon.

Sa nasabing pulong, pinasalamatan ng Pangulo ang gobyerno ng Israel sa pag-rescue sa 20 Filipino na naipit sa gulo. Sa ngayon, ligtas na umano ang 20 Filipino.

Kabilang sa mga nailigtas ng Israel Defense ­For­ces (IDF) ang mga OFW mula sa bayan ng Kibbutz Be’eri na malapit na sa Gaza Strip na sentro ng gulo.

Binigyan naman ng briefing ni Ambassador Fluss si Pangulong Marcos kaugnay sa pinakahuling sitwasyon sa Israel.

Tiniyak din ng Ambassador sa Presidente na ginagawa ng Israel ang lahat ng paraan masiguro lamang ang kaligtasan ng mga Filipino doon.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Marcos sa tatlo pang Filipino na ngayon ay patuloy na pi­naghahanap pa.

Nangako rin ang ­Pangulo sa pamilya ng dalawang Filipino na nasawi na hindi sila pababayaan at ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng suporta.

Sa facebook post ng Pangulo, sinabi nito na ito na ang pinakamahirap na tawag sa telepono na kanyang nagawa bilang pinuno ng bansa.

“Last night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President. The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel,” saad pa ni Marcos.

Read more on philstar.com
DMCA