Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Angara: Reporma sa procurement law, tugon sa korapsyon sa gobyerno

TIWALA si Senator Sonny Angara na ang kanyang isinusulong na pag-amenda sa umiiral na Government Procurement Reform Act o GPRA ay magbubunga ng positibong pagbabago sa pagpapatupad ng mga proyekto at purchase of goods and services and supplies at iba pang aktibidad ng gobyerno na nalulusutan ng matinding korapsyon.

Matapos ang tatlong pagdinig, 10 technical working group meetings at ilang buwang konsultasyon hinggil sa 13 bills na nagtutulak sa mga panukalang pag--amenda sa Republic Act 9184 o GPRA, inisponsor ni Angara ang Senate Bill 2593 na nakatakdang pagdebatehan sa plenaryo.

Ang GPRA na priority measure din ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ay inaasahang hindi lamang makatutulong na mas mapabillis ang government procurement process, kundi gawing mas mapahusay din ito.

"Ang R.A. 9184 na iniakda ng aking yumaong ama na si dating Senate President Edgardo Angara ay isang napakalaki at napakahalagang batas. Kinilala at umani ito ng samu't saring papuri hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba't panig ng mundo, kabilang na ang World Bank. At bagaman nagawa ng batas na ito na ipatupad ang mga importanteng reporma sa government procurement process, nakahanap pa rin ng paraan ang mga tiwaling indibidwal sa gobyerno na naging dahilan upang bilyun-bilyong piso ang masayang dahil sa korapsyon at sa pagpapabaya ng mga kinauukulan," ani Angara.

"May mga ahensya tayo ng gobyerno na sa procurement of basic supplies pa lamang ay inaabot na nang napakahabang panahon bago nila makumpleto. Ibig sabihin, walang mahusay na kumpetisyon ng bidders at madalas sablay ang procurement of goods ng mga ahensyang ito dahil marahil sa poor planning o kaya naman ay dahil tali sila sa isinasaad ng batas," saad pa ng senador.

Sa resulta ng pag-aanalisa ng World Bank noong 2019 sa Philippine procurement data, napagtanto nila na kung mayroon lamang mas pinahusay na procurement strategies ang Pilipinas, siguradong matitipid pa nito ang 29 porsyento ng kanyang kabuuang procurement spend.

Sa apat na taong sakop ng pag-aaral ng World Bank mula 2014 hanggang 2018, posible anilang nakatipid pa sana ang Pilipinas ng hanggang P1.2 triylon.

At dahil batid ng

Read more on legacy.senate.gov.ph