Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Excerpts from the Senate media briefing via Zoom with Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino

MAJORITY LEADER FRANCIS 'TOL' TOLENTINO (MLFT): As I said last Tuesday during the committee hearing ni Alice Guo, [Note: the hearing was actually held on Monday, Sept. 9] sabi ko, walang jurisdiction ang Capas, Tarlac RTC Branch 109, ang dapat na may jurisdiction, sinukat natin yun at ang pinakamalapit na judicial region - malapit sana ang Urdaneta, Pangasinan pero baka magka isyu din kasi nalilink yun isang Mayor ng Pangasinan, tapos sinabi ko baka malapit din ang Bayombong, Nueva Vizcaya, 150 kms, malayo ang travel considering na nakakulong siya sa PNP Custodial Center, so ang huling sinabi ko ang RTC Valenzuela might be the nearest RTC in terms of judicial region.

Ngayon September 13, around 1:30 ng hapon ay naka schedule ang arraignment at pre-trial ni Alice Guo sa Capas, Tarlac subalit ngayon umaga ay nag-isyu ng order ang RTC Tarlac Branch 109 na sinasabi nila kina-cancel na nila yun scheduled pre-trial at arraignment today kasi wala silang jurisdiction kagaya ng sinabi ko nung Tuesday. Ang huling balita ko ita-transfer na nila ang kaso sa tamang RTC. Hawak ko ngayon ang isang transmittal letter ng criminal case ni Alice Guo, na naglalaman na paputa na ang dokumento ng lahat ng kaso sa RTC ng Valenzuela.

Siguro in two hours time ay nasa Valenzuela RTC na ang folders na tri-nansmit ng Capas Tarlac RTC, at since RTC Valenzuela is a multi-sala court, magkakaroon yan ng raffle, at doon pa lang malalaman kung sino ang judge at aling branch mapupunta ang kaso ni Alice Guo.

Tama ang ating sinabi na mali ang pag assume ng jurisdiction ng Capas, Tarlac, so pinapasalamatan ko si Judge Sarah delos Santos ng RTC Tarlac, tina-transfer na nya, sinulatan ang Ombudsman, sinulatan na rin ang PNP Custodial Center at lahat, maging ang Senado, para ipaalam ang kanyang desisyon na tugma dun sa ni-raise ko noong Tuesday.

Q: Ano ang naging basehan bakit court ng Valenzuela?

MLFT: Sang ayon kasi sa RA 10660, ang isang opisyal lalo na ang Mayor, salary grade 27 and above, ay hindi pwede sampahan ng kaso sa judicial region kung saan sya nag-oopisina. Ang Tarlac ay Region 3 so hindi pwedeng samapahan dun dahil meron pa sya impluwensya, lalo na dito sa case ni Alice Guo, syempre

Read more on legacy.senate.gov.ph