Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Manifestation of Senate Majority Leader Joel Villanueva on the 125th Anniversary of the First Philippine Republic

Mr. President, please allow me to give a short manifestation in commemoration of the 125th Anniversary of the First Philippine Republic, which is being celebrated today, January 23.

Noon pong ika-1 ng Enero taong 1897, dalawang taon bago pasinayaan ang Unang Republika sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos noong 1899, naganap ang pinakamadugong digmaan sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Labanan sa Kakarong De Sili sa Pandi, Bulacan.

Mahigit 1,200 na mga Katipunerong Bulakenyo ang minasaker ng mga Kastila. Sa dami ng dugong dumanak sa digmaang iyon sa Kakarong de Sili, bumaha ng dugo at umabot daw po ang taas nito hanggang sa bukong-bukong.

Bilang Bulakenyo, naniniwala po ako na ito ang dugong nagpaalab at nagpatindi sa adhikain hindi lamang ng mga Rebolusyonaryo kundi ng lahat ng mga Pilipino para isulong ang independensya at itatag ang Unang Republika — ang unang malayang pamahalaan sa buong Asya.

Ang isa po sa halos 6,000 mga Rebolusyonaryong Bulakenyong nakipaglaban sa Kakarong de Sili ay ang aming ninuno na si Canuto Villanueva bilang Supremo, katuwang si Maestrong Sebio bilang Kapitan Heneral.

Ginoong Pangulo, ngayong araw na ito ng pagpapasinaya sa Unang Republika, hinahamon tayong muling lumingon at magbalik-tanaw sa kasaysayan. At lubos ang paghanga ko sa inyo, Mr. President, dahil matapang mong ibinahagi ang ilan sa mga aral na ito ng ating kasaysayan kaninang umaga sa Barasoain Church:

KAPAKANAN NG BAYAN BAGO ANG SARILI. Tulad ng inyong sinabi, Mr. President, hindi inisip ng mga nagsulat ng Malolos Constitution ang pansarili nilang kapakanan. Hindi nila sinamantala ang kanilang posisyon bilang tagapagbalangkas ng ating unang Konstitusyon.

I couldn't agree with you more, Mr. President, when you said, "If the members of the Malolos Congress had wanted, they could have constitutionalized themselves into limitless power without regard for the voice of the people. As framers of the First Constitution, no one could have stopped them... Instead, they chose for the Malolos Republic to be an uncompromising stand for freedom and independence."

Malinaw at alam kong narinig ng lahat ang panawagan mo, Mr. President: "Anumang pagbabago sa ating Saligang Batas, ay dapat

Read more on legacy.senate.gov.ph