Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Manifestation of Senator Risa Hontiveros on Senator Robin Padilla's Privilege Speech

Salamat po, Mr. President. Hindi ko po i-interpellate ang aking kasama dito sa Senado. Nais ko lamang po magbigay ng isang maikling manipestasyon kaugnay ng ibinanggit.

At ang manipestasyon pong ito ay pagbanggit lamang uli sa ano ang status sa ngayon ng proseso, ng pagdinig, ng resolusyon sa ibinanggit na komite, ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.

Ang status po doon ay dalawang beses pong inimbita yung resource person. Inisyuhan din po ng subpoena ng Senado, pinirmahan ng Senate President. Kanila ring hindi pinaunlakan. Kaya't ayon sa rules ng Senado sa pagkondukta ng imbestigasyon in aid of legislation, ay ni-rule ko po, ni-rule ng chair para i-cite in contempt yung resource person at ipinahayag na hihilingin sa Senate President, ip-aresto yung resource person para sa wakas ipaharap na sa komite para makasagot sa mga seryosong tanong sa kanya.

Ang kasama ko po sa komite ay nag-object. At dahil doon, ayon din sa rules ng Senado, binigyang daan ng chair na magkaroon ng pitong araw upang makabuo ng majority ng mga miyembro ng komite para mag-object. At ang ikapitong araw pong iyon, Mr. President, ay bukas. Kaya, gayon din, alinsunod sa mga rules natin sa Senado, binibigyan daan ng chair na makabuo ng majority. So, depende kung ano yung maging resulta bukas, ang magiging sunod na mga hakbang ng komite.

Pero ngayon pa lamang, ay meron na po tayong mame-make of record na may precedent po sa mga ruling ng Korte Suprema at maging na po sa mga dating idinaos na mga pagdinig ng mga komite, maging ng Senate Blue Ribbon Committee, dito sa Senado na nagpatuloy kahit po mayroon na pong tumatakbong mga kaso sa Korte.

Isang halimbawa po, Mr. President, ang Catherine Camilon case, yan po ay kasulukuyan pa rin dinidinig dito po sa Senado, sa Senate Committee on Public Order, kahit nakafile na po ang mga charges sa Korte. So, ito lamang po ay pinaka-recent sa mga maisa-cite po ng chair ng Committee on Women, na kahit po meron ng mga kasong tumatakbo sa Korte, yung iba dito, final mismo ng Executive, pero nagpatuloy at nagpapatuloy pa rin ang pagdinig dito sa lehislatura.

Dahil wala pong proseso sa isang sangay ng gobyerno ay mas

Read more on legacy.senate.gov.ph