Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Mensahe ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda Ika-25 Anibersayo ng Pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas

Isang makasaysayang araw sa ating lahat!

Ginoong Pangulo,

Kahapon lamang ay nagsama-sama ang ilan sa atin sa simbahan ng Barasoain, ang simbolo ng pagbabago. Ang mga kaganapan sa makasaysayang simbahan sa lungsod ng Malolos--ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas, ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos, at ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas--ay mga hudyat ng panibagong simulain tungo sa layunin nating bansang matatag at malaya.

Ika-labindalawa ng Hunyo 1898, inihayag ni Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas. Sa araw ding iyon, nakilala niya si Apolinario Mabini at naging kanyang tagapayo. Noong ika-dalawampu't tatlo ng Hunyo 1898 naglabas ng dekreto sa pagtatag ng isang Kongreso na ang layunin ay magpayo sa Pangulo ng mga karaingan at pangangailangan ng mga probinsya at magsilbing kinatawan ng pambansang pamahalaan sa kanilang mga lokalidad. Binuksan ito sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan noong ika-labinglima ng Setyembre 1898 at nakilala bilang Kongreso ng Malolos. Sila ang bumalangkas sa isang konstitusyong demokratiko at republikano na nagluwal sa ating Unang Republika na pinasinayaan noong ika-dalawampu't tatlo ng Enero, taong 1899.

Ang bahaging ito ng kasaysayan ay nagpapaalala sa atin ng ating identidad bilang isang mamamayan ng bansang ito. Lubos kong ipinagmamalaki dahil ang aking lolo sa tuhod, lolo ng aking ina, si Ariston Gella, ang pinakaunang parmasyutiko ng Probinsya ng Antique, ay isa sa mga naging bahagi ng Kongreso ng Malolos na bumalangkas sa pinakaunang Konstitusyon.

Isang daan at dalawampu't limang taon na ang nakakaraan, naging saksi ang simbahan ng Barasoain sa pagnanais ng Pilipino na lumaya at maging isang bansang may sariling boses, tindig at kakayahan - hangarin na matagal nang ipinaglaban ng maraming Pilipino sa buong bansa, sa maliliit na pag-aalsa at malalaking himagsikan, sa kampanya para sa sekularisasyon at ang Kilusang Propaganda, at sa rebolusyong isinulong ng Katipunan.

Ginoong Pangulo,

Ang pagunita natin sa anibersaryo ng pagpapasinaya sa Unang Republika ay hindi lamang isang paggunita sa nakaraan kundi isang paalala rin ng mga aral na ibinahagi sa atin ng kasaysayan. Bagamat ang Republika na

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA