Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Senator Robin Padilla Privilege Speech

Ginoong Tagapangulo, sa mga kagalang-galang na miyembro ng lupon na ito, tumitindig po ako sa pulpitong ito sa bisa ng kolektibo at personal na pribilehiyo na iginawad sa inyong abang lingkod ng mamamayang Pilipino.

Napakainit po, masalimuot, at mapanghati - ganito po ang aking paglalarawan sa mga pangyayaring bumalot at nangingibabaw sa mga ulo ng mga balita sa ating bayan nitong mga nakalipas na linggo at hanggang ngayon pong kasalukuyan.

Mabuti na lamang po at may magandang balita na nangyayari dito sa Senado. Hindi po maipagkakaila na pati tayo po dito ay may mga forces na gusto rin tayong guluhin. Katunayan, ang inyong lingkod ay pinipilit ng mga iba-ibang forces na ito.

Wala pong pinakamagandang nangyari sa pagiging senador ko kung hindi ang panahon na ang akin pong G Pangulo ang SP at Senate Pro Tempore at ginagalang kong Sen Sonny Angara at Sen Loren Legarda ay nag-file nitong bill na atin pong dinidinig. Isang resolution isang panukala na nagbibigay buhay sa ating adhikain. Alam nyo G Pangulo yan ang pinakamagandang decision na nakita ko at pamunuan ito ng ating abogado at ekonomista na si Sen Sonny Angara. Sapagka't ito po ay ang pinaguusapan po dito ay sanga-sanga na po. Katunayan sa ginanap pong pagdinig kanina ay napagusapan ang mga tensyon at mga discussion na nakaakibat ng panukalang ito. Itong resolution na ito itong hakbangin na ito. Sapagka't hindi maipagkakaila at kanina ilang beses din na sinabi na yung nasa Sec. 1 Art. 17 ng ating Saligang Batas na nagsasaad na ang anumang susog o pagbabago sa Constitution, ito ay maaaring ipanukala ng Kongreso sa pamamagitan ng ¾ boto ng lahat ng kagawad nito.

Sa wikang Ingles: "... Any amendment to, or revision of, this Constitution may be proposed by Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members". xxx

Marami na pong mga eksperto, lupon ng mga abogado, mambabatas, mga mahistrado at legal luminaries na nagbigay ng kani-kanilang mga interpretasyon sa probisyong ito.

Halimbawa po: ayon kina dating Justice Vicente V. Mendoza at iba pang mga bihasa sa Constitution, ang dalawang Houses ay dapat magtagpo at magdebate ng sabayan (jointly) pero boboto ng hiwalay (separately). Malinaw po yan na

Read more on legacy.senate.gov.ph