Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Opening Statement of Senator Joel Villanueva

"The truth shall set us free" (John 8:32)

Isa lang po ang gusto nating lahat na malaman. Matagal nang hinahanap, matagal na nating hinihintay. Ito rin ang hinihintay ng sambayanang Pilipino. Walang iba kundi ang katotohanan. Sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.

Umabot po tayo sa araw na ito dahil bukod sa puro "hindi ko na po maalala, your honor" ang sagot mo sa amin, tinaguan pa po tayo ni Ms. Alice Guo na napagalaman nating hindi tunay na Pilipino.

Alice, binastos mo at binalahura mo ang buong gobyerno, ang buong sambayanang Pilipino. Hindi ko maintindihan kung bakit noong nahuli ka ay parang walang wala sa'yo. Na-offend po kami.

Hindi ko alam pero parang ang turing mo sa amin ay "kaaway" na. Pero sa totoo lang, kung magsasabi ka ng totoo, kami dito sa Senado ang totoong kakampi mo.

Bibigyan ka naming muli ng pagkakataon ngayong araw na ito. Pagkakataon na isiwalat ang katotohanan. Dahil kahit ayaw mong sabihin ang katotohanan, Senado ito. Hindi ito perya. Sigurado kami na malalaman at lalabas ang katotohanan sa Senado.

Kung ikaw ay tunay na Pilipino, dapat alam mo ang kasaysayan. Sa kasaysayan, ang Senado ang nagiging sandigan ng demokrasya. Ito ang nagpapalabas ng katotohanan. Kapag ikaw ay nagsasabi ng katotohanan, ang Senado ang siguradong mag-po-protekta sa iyo. More than any agency or institution in this country.

Muli, isang bagong pagkakataon ang araw na ito lalo na para sayo, Alice. Sa pagsasabi mo ng totoo, hindi lang ikaw ang mag-be-benepisyo kundi ang sambayanan. Ipapaalala ko sayong muli ang iyong sinumpaan dito sa Senado, "to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth." Kung hindi ka sasagot sa mga tanong natin dito sa Senado o maglulubid ka lang ng buhangin, hindi lalabas ang katotohanan.

Nais nating sabihin sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng ating ginagawa. Not just in aid of legislation but to ensure that we will put an end to this horrible and terrible POGO. Naipakita ng Senado, through this committee, not even LGUs, even a town like Bamban ay kayang pasukin at kontrolin ng husto ng POGO. Can you imagine, ladies and gentlemen, kung magpapatuloy ito. Hindi lamang Mayor, Governor, Congressman o Senador baka

Read more on legacy.senate.gov.ph