Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Padilla: Sponsorship speech - Sheikh Karim'ul Makhdum Day

Ginoong Tagapangulo, sa mga kagalang-galang na miyembro ng lupon na ito, isang karangalan po para sa inyong lingkod ang tumindig muli sa pulpito upang ihain po sa plenaryo ang ulat ng Komite ng Kultural na Pamayanan at Usaping Muslim o Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs - ang Committee Report No. 238 - patungkol po ito sa panukala upang gawing National Working Holiday ang komemorasyon ng pagtatatag ng Islam sa Pilipinas:

AN ACT DECLARING THE SEVENTH DAY OF NOVEMBER OF EVERY YEAR A SPECIAL NATIONAL WORKING HOLIDAY IN COMMEMORATION OF THE ESTABLISHMENT OF THE FIRST PHILIPPINE MOSQUE AND THE INTRODUCTION OF ISLAM IN THE PHILIPPINES

Sa pasimula pa lamang po, nais kong mahayag sa ating rekord na ang panukalang ito ay inihain ng ating kaibigan at dating kasamahan sa lupong ito, at ngayon po ay Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Senator Juan Edgardo "Sonny" Angara.

Natatandaan ko pa po mahal an pangulo noong siya nandito atin pinuri ang kanyang nagawa sa Senado at taumbayan. Isa ito sa kanyang panukala na bigyan ng pagkilala ang pagdating ni Sheikh Makhdum sa PH. Kung may panahon dumating ang mga Espanyol dala ang Katolisismo may panahon dumating sa PH si Sheikh Makhdum siya ang nagdala ng Islam.

Alam ko naukit sa ating mayamang kasaysayan bago pagpasok ng Kristiyanismo hatid ng mga dayuhang Kastila noong 1521, matagal na pong nananahan ang mga Moro at matagal na pong lumaganap ang Islam sa iba't-ibang bahagi ng ating kapuluan.

Katulad na lang sa Manila kinikilala ang unang mayor ng Manila si Raja Sulaiman isang Muslim. Sa katunayan inilalarawan po ng historyador na si Cesar Majul Adib na hindi natin maiaalis na sabay ang naging paglaganap ng Islam sa Pilipinas at rehiyon ng Timong Silangang Asya na naganap noon pang ika-8 siglo. Dahil na rin po sa ating strategical location na bahagi ng Arab Chinese trade route, marahan ngunit malalim ang naging paglaganap ng katuruang Islam sa ating mga sinaunang pamayanan.

Pagdating ng mga misyunaryong Muslim (du'at) sa isla ng Sulu, isa po sa mga misyunaryong ito si Shariff Karim'ul Makhdum na siyang nagtatag ng kauna-unahang mosque o bahay-dasalan sa Bohe Indangan, Simunul island, Tawi-Tawi. Ang mga pader ng

Read more on legacy.senate.gov.ph