Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Padilla: SRP sponsorship speech Committee Report 311 (Amendments to MTRCB charter)

Video: https://www.youtube.com/watch?v=VJP9CM4EGGI

Ginoong Pangulo, sa mga kagalang-galang na miyembro ng lupon na ito, ang narinig po natin, na nawa ay pumukaw na rin sa atensyon ng nasa bulwagang ito, ay ang anunsyo ng MTRCB na naririnig natin sa bago magsimula ang palabas sa ating mga telebisyon. Simpleng anunsyo pero ito po ang nagtatakda ng linya sa pagitan ng pagkaka-expose ng ating mga kabataan sa mga sensitibong palabas at programa.

Ginoong Tagapangulo, isang karangalan po para sa inyong lingkod ang tumindig sa pulpito ngayong hapon upang ihain sa plenaryo ang ulat Komite ng Pampublikong Impormasyon at Mass Media - ang Committee Report No. 311 - patungkol sa mga panukalang susog sa charter ng Movie and Television Review and Classification Board.

Ang ulat na ito po ay base po sa mga panukalang batas para sa pag-amyenda ng MTRCB charter na inihain ng dating Tagapangulo ng ahensya, ang kagalang-galang na Senadora, na dati na ring umupo bilang Pinuno ng MTRCB, Grace Poe (Senate Bill No. 965), ni Senador Win Gatchalian (Senate Bill No. 1063), Senador Francis Tolentino (Senate Bill No. 1178), Senador Lito Lapid (Senate Bill No. 2195), at ng inyo pong lingkod (Senate Bill No. 1940).

Ginoong Pangulo, tatlumpo't-walong taon na po - ganito na po ang edad ng umiiral na patnubay ng ahensya na nangangasiwa sa klasipikasyon at pagsusuri ng mga programa sa telebisyon at pelikula. Sa loob ng panahong ito, hindi na natin mabilaang ang napakaraming pagsulong sa larangan ng technology. Yung pagkabigat-bigat pong TV, nasa bulsa na lamang natin ngayon. Nasa mga cell phone na lang yan ngayon. Kung noon ay kailangan pang bumiyahe ng pagkalayo-layo, makapanood lamang ng sine, ngayon po hindi na - uupo ka na lamang kahit nasaan ka man, mapapanood mo na ang mga gusto mong pelikula. Ang imposible at pangarap noong 1986 ay posible na ngayon. Ang mga imahinasyon ng sangkatauhan noon, isa nang reyalidad ngayon.

Pagkadami-dami na po ng nagbago ngunit ang charter ng MTRCB, napaglipasan na po ng panahon. Dahil po dito, pinagtuunan po ng ating komite ang mga nakabinbing mga panukala tungkol sa pag-aamyenda ng Presidential Decree No. 1986 upang maiangkop naman po natin ang kapangyarihan

Read more on legacy.senate.gov.ph