Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Privilege Speech of Senator Risa Hontiveros on People's Initiative

Mr. President, I rise on a point of personal and collective privilege.

I rise not only for myself - I rise for ordinary Filipinos bewildered at what is happening in the country today. Puro backdoor usap, puro negotiation, kung ano anong compromise, pero tila napag iwanan ang bayan.

Kahapon, isinagawa ang Bagong Pilipinas movement na rally sa Quirino Grandstand. Sa Davao naman, may prayer rally. At ngayon, Lunes, nakatayo na tayo sa sangandaan ng kasaysayan. Now that the dust has settled, we can see clearly now. Malinaw na ang lahat sa ating mga kababayan.

Ang malinaw sa lahat: parang may mali. Pinangakuan nila tayo ng unity, pero wala pang midterm, wala na kaagad na kahit anong bahid ng unity.

Habang nililito nila tayo dito sa Maynila ng bangkaroteng pirmahan para sa People's Initiative, meron palang gustong bumalik sa kapangyarihan at iwasang panagutan ang kanyang mga kasalanan.

Mr. President, nanalo kayo dahil pagod na ang ordinaryong Pilipino sa away at girian, pero ano ang ipinakita niyo nitong Linggo? Tunggalian na naman. Kontrahan na naman. Pinapili na naman ang mga Pilipino sa pagitan ng dalawang maimpluwensiyang pamilya.

Sa gitna ng makikintab na entablado, mga sayawan at kantahan, pinapamudmod na pera, at sunud-sunod na political acrobatics at mada-dramang mga speech sa parehong event, ang tanong pa rin: nasaan na ang ating bansa?

Kung tatanungin ang mga Pilipino, ang kailangang tugunan ay ang presyo ng pagkain, at ang pagtaas ng sweldo, lalo na ng mga minimum wage earners. Pagpapatigil sa kurapsyon, kahirapan, at kagutuman ang tapat dapat tutukan. Walang naghahanap ng pagbabago ng Konstitusyon kundi yung mga gahaman.

Nagulat na lang tayong lahat na habang nagpapayak na noche buena kasama ang pamilya, na isinusulong na pala nang pailalim ang isang signature campaign para sa huwad at bangkaroteng People's Initiative. Hindi pa nauubos ang tirang fruit salad sa refrigerator, naabot na agad nila ang 3% na kailangang maabot na pirma sa bawat legislative district!

At dumating na nga sa paghahakot para sa tinawag nilang Bagong Pilipinas movement na rally sa Quirino Grandstand. Ang sabi ng Presidential Communications Office o PCO, wala daw itong kinalaman sa

Read more on legacy.senate.gov.ph