Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Senator Raffy Tulfo privilege speech Kalingatan Sanitary Landfill

Mr. President, my dear colleagues, good afternoon. Today, I rise on a matter of privilege to address an issue that we have all been affected by. Noong mga nakalipas na linggo, hinagupit ng tatlong bagyo ang ating bansa ( bagyong Butchoy, Carina at Enteng.

Ang bagyong Butchoy at Carina ay magkasunod na rumagasa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na nag-iwan ng 5.9 Billion na infrastructure damage, 4.4 Billion naman ang pinsala sa agricultural sector, at ang pinakamasakit ay 48 ang namatay na mga Pilipino.

Sa Typhoon Enteng naman, 698 Million ang infrastructure damage, 1.8 Billion ang pinsala sa ating agricultural sector, at 20 na Pilipino ang namatay.

All these are verified data from the reports of the NDRRMC [National Disaster Risk Reduction and Management Council]. Napakasakit po sa akin na ang buhay ng tao, at ang pinundar nating mga gusali para sa ikabubuti ng ating mga kababayan ay nagiging statistic na lamang.

Walang tigil po ang deliberation natin sa budget ng DPWH lalo na para sa Flood Control Program na nangangako na ayusin ang problemang ito. Pero parang may nakalimutan tayo na aspeto na malaki ang ambag sa baha lalo na sa highly vulnerable sectors ng ating bansa. Ito ay isang tagong isyu na nababaon at nakakalimutan ngunit umaalingasaw tuwing dumarating ang kalamidad.

The problem I am speaking of is our underdeveloped Solid Waste Management Program. Mula noon at hanggang ngayon, basura pa rin ang ating problema mula sa maliliit na mga munisipyo hanggang sa pinakamalalaking siyudad. Umikot po ang aking team sa Quezon City pagkatapos ng bagyo upang tumulong at magsagawa ng damage assessment at ang bumati sakin ay ang basurang nagkalat sa kalsada noong humupa na ang tubig. According to my local contacts, pareho rin ang sitwasyon sa mga karatig siyudad sa Batangas, Pangasinan, at ilang bahagi ng Cavite. Kung saan mataas ang tubig, hindi makakaila na may dala itong basura.

Hindi ko po sinasabi na wag tayo magsagawa ng Flood Control Program. Sa katotohanan, natuwa ako na ito ay isang prayoridad ng Malacañang, galing mismo sa Presidente noong kanyang State of the Nation Address. Pero, upang mapagana ng maayos ang ating flood control program, kailangan maayos

Read more on legacy.senate.gov.ph