Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - SRP sponsorship speech for Medical Cannabis Bill

Ginoong Pangulo, Pinunong Mayorya, sa mga kagalang-galang na miyembro ng lupon na ito, matapos po ang ilang buwan ng pag-aaral, konsultasyon, at pagdinig ng sub-committee na pinamunuan po ng inyong lingkod, ikinalulugod ko pong ihain sa plenaryo ang Senate Bill No. 2573 sa ilalim ng Ulat Komite Bilang 210 para sa panukalang: Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Sa puntong ito ay nais ko pong hingin ang inyong atensyon sa compilation ng mga video ng mga pahayag at patotoo sa benepisyo ng medical cannabis. [played video]

Ginoong Pangulo, wala na po sigurong pangarap ang bawat isang miyembro ng lupon na ito bilang mga halal ng taumbayan kundi makitang ang bawat Pilipino ay may epektibo at pantay na access sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Ika nga po ng isinisigaw ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development: Leave No One Behind. Sa wikang Filipino: Walang maiiwanan.

Ginoong Pangulo, napapanahon na po siguro upang dinggin natin ang hinaing ng mga magulang at pasyente na nagsusumamo upang maging legal na ang access sa lunas na kanilang lubhang kinakailangan.

Batid po ng lupon na ito ang aking sinseridad sa pagtulak ng batas na ito sapagkat bilang isang tao po na nangangailangan din ng regular na lunas para sa aking mga injuries na natamo ko sa pagiging artista o isang action star, tulad po ng undisplaced neck fracture, third-degree burn, broken ankle, gayundin po ang pagnipis ng cartilage sa buto at dahil po sa dinaanan kong backbone surgery, batid ko po ang mga side effects na maaaring idulot sa akin ng synthetic drugs kumpara sa organikong pamamaraan.

Noon pong nakaraang taon, ako po ay personal na nagtungo, kasama po ang aking mga staff, sa bansa ng Lupang Pangako, Israel, upang magsagawa ng isang study tour kung paano nila ipinatutupad ang kanilang polisiya tungkol sa access sa medical cannabis.

Marami po tayong natutunan sa ating 'immersion' na atin pong inilapat sa bersyon ng aking bill.

Sa puntong ito, hayaan po ninyong ilahad ko ang mga mahahalagang probisyon ng landmark legislation na akin pong inihahain sa bulwagang ito.

Una, sa pagsasabatas po ng legal na access ng mga lehitimong pasyente na nangangailangan ng medical

Read more on legacy.senate.gov.ph