Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Interview: Senator Risa Hontiveros with Jon Ibanez over DWIZ

Q: Hindi nawawala ang pangalang Senator Hontiveros sa bawat pagdinig. Anyway, direktan katanungan na po, ma'am. Mukhang matindi rin ang tiwala sa iyo ng bagong pamunuan ng Senado. Dahil sa nasa harapang ko, binabanggit ng script na ito, ng story na ito, na walang nakikitang pangailangan po si Senate President Chiz Escudero para ika nga'y payuhan ka sa ginagawa mong imbestigasyon kaugnay dito sa kontrobersyal na alkalde po ng Bamban, Tarlac. Ano pong reaction nyo dito?

SRH: Well, salamat naman. Yun siguro yung sinasabi naming lahat na presumption of regularity. At saka, nakapagtiwala sa committee system ng Senado. Dahil lagi namang sinasabi ng mga dati at ito ngayon, ang kasalukuyang liderato na basta't nakarefer na ang mga bills at resolutions sa appropriate committee, eh may kumpiyansa na kami sa isa't isa na didinigin ito timely at maayos ng bawat chair. So, mabuti naman, nagpapatuloy yung ganyang aming practice o tradisyon.

Q: Bago ko lamang po makalimutan, mukhang may plano yung Solid 7 na sumapi po sa minority. Ano pong dating sa inyo dito, Senator Hontiveros?

SRH: Well, siguro premature pa na mag-speculate ako dyan kasi ito nga, nasa gitna din kami ng dalawang recess. Magandang pagkakataon din na kami nina minority leader ko, Sen. Koko Pimentel, tapos yung buong mayorya, pati yung mga grupo sa loob nila, tulad mong binanggit mong Solid 7, I'm sure bawat isa sa amin at bawat grupo ay nagre-reflect kung kumusta ba yung naging trabaho namin itong nakaraang dalawang taon and paano pa kami susulong sa pag-resume, sa SONA sa Hulyo.

So, abangan na lang natin kung anong mga developments mula sa loob ng majority. Basta kami sa minority, itutuloy ang trabaho sa pag-fiscalize, pag-check and balance sa loob at labas ng Senado.

Q: Sa lahat po, yata, ma'am ng grupo, kayo ang minority ang ikang quote-unquote, chill-chill lang sa nangyaring palita ng liderato sa Senado. Tama po ba?

SRH: E talagang hindi kami nakialam ni Sen. Koko dyan. Kasi, ano yan eh, kumbaga matter yan ng majority. At kami naman, ay nais manatiling minority. Mukhang naging kapakipakinabang din naman kami nitong nakaraang dalawang taon. Halimbawa sa trabaho namin dyan sa sugar smuggling fiasco, yung

Read more on legacy.senate.gov.ph