Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of interview: Senator Risa Hontiveros with Kabayan Noli de Castro on DWPM TeleRadyo Serbisyo

Q: Saan ba ho galing itong panawagan dahil sa mga hearing na ginawa nyo, parang nag-aapila ho si Mayor Guo para sa kanyang nanay. Ano po? Tama ho ba ako?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Opo, mukhang ganon. Ewan ko ba kung ginagawa na niyang teleserye yung kanyang kwentong buhay. Ang dali naman sanang sagutin yung mga simpleng tanong namin sa hearing tungkol sa kanyang identity.

Pero ang gulo ng kwento niya talaga, hindi lang tungkol sa kanyang identity, pati tungkol sa POGO at yung criminal connections niya doon, pati yung kanyang kayamanan.

So well, pwede siyang manawagan ng ganoon. Tingnan natin kung may tutugon at mas lalong tingnan natin kung makakatulong sa pag-alam natin sa katotohanan.

Q: Opo, pero may latest yung binabanggit si Sen. Gatchalian, yung Wen Li. Wen Li? Opo, yun daw yan. Parang ang hinala nila, itong si Wen Li ay ang parang Chinese na mother ni Mayor Guo. Parang ganoon.

SRH: At kung yan ang ma-establish, wala nang pagmumulan ng sinasabi niyang Filipino citizenship niya, si Mayor Alice Guo. Dahil unang na-establish na ang kanyang ama ay 'di umano Chino daw. So diba yung mga legal experts natin, sabi nila, eh 'di kung ganoon, walang ibang pagmumulan ng kanyang Chinese citizenship or Filipino citizenship, kundi dapat Filipino ang kanyang ina.

Eh kung yung sinasabi niyang Amelia Leal na kanyang ina, na iba-iba depende sa araw kung siya ba ay kasambahay o siya ba ay kasal doon sa ama niyang si Angelito Guo, doon sa birth certificate niya at nung tatlong kapatid niyang natuklasan natin, kahit sabi niya nung una, wala siyang kapatid.

Q: May dalawa pa pala?

SRH: Actually, tatlo. Sabi ng PSA, bukod kina Sheila at Seimen Guo, merong pang Wesley Guo.

Q: May isa pa.

SRH: Tatlo silang kapatid. At nakita sa birth certificate nung tatlo, parehong dalawang mga magulang ang nakalagay na pangalan doon. At yung Sheila ay naging travel buddy pa ni Mayor Alice Guo.

So kung mapatunayan, ma-establish na pati yung kanyang ina ay Tsina, eh talagang paano niya masasabing Filipino citizen siya? Mako-call into question bakit siya nakatakbo at nanalo bilang mayor na Pilipino dito sa ating bayan.

Q: Opo. Pero ang question dito Madam Senator, kaya napunta kay Mayor

Read more on legacy.senate.gov.ph