Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of interview of Senator Risa Hontiveros on DZBB with Nimfa Ravelo and Isa Avendaño-Umali

Q: Una muna, tungkol po doon sa kulto na inyo pong pinaimbestigahan. Ma'am, mayroon lang pong development, ano po. Kasi yung sa hearing sa Senate, partner noong maghapon may nag-testify na mga bata na dumaan sa interview ni Senator Hontiveros at saka ng DSWD. And then Ma'am, may gusto sanang iharap po na testigo sina Jey Rence Quilario, Alyas Senior Agila. Tatlong bata po, gusto nila ipa-testify. Ma'am may development na ho? Tama ho ba, naipa-turnover na sila sa DSWD?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Yes. Ang magandang development diyan ay kahit parang gustong bigla-biglaan na lang iharap ng mga lider ng kulto itong tatlo pang bata na nasa kamay pa nila, kapiling pa rin ng mga magulang nila na miyembro pa rin ng kulto, eh nanindigan po kami sa mga komite ng Senate Committee on Public Order sa ilalim ni Chair Doroy Dela Rosa at sa ilalim ng Senate Committee on Women sa ilalim naman ng pag-chair ko na kailangan.

Tulad ng unang iniharap naming mga batang victim-survivors, yung tatlong gustong idagdag nung mga lider ng kulto, kailangan dumaan muna sa social preparation ng DSWD. At nanindigan din po yung DSWD na nandoon sa aming pagdinig. ANg magandang kaganapan pa po ay habang sino-social preparation nga yung mga bata bilang menor de edad na humarap sa hearing, ay nagkaroon po ang desisyon yung DSWD at yung DOJ IACAT, nagsalita po yung IACAT na sagot sa isang tanong ko na oo, alinsunod sa Expanded Anti-Trafficking in persons Act, ang mga pinagsususpetsahang biktima ng human trafficking ay kaagad pwedeng kupkupin ng gobyerno, protective custody.

So pati po yung tatlo pong sino-social preparation pa ng DSWD ay nasa protective custody na rin po ng DSWD. In fact, mayroon na rin po kaming kopya ng formal letter ng municipal DSWD ng Socorro, Surigao del Norte na talagang isinasapormal na hindi lamang yung unang anim na aming kinupkop kasama ni Mayor Riza Timcang at ng municipal DSWD, kundi pati yung tatlo. So lahat-lahat siyam na menor de edad ay nasa protective custody na po ng DSWD national bilang bahagi ng IACAT. So yan po yung magandang bagong development.

Q: Para po doon sa nanonood sa atin sa Facebook o nakikinig din sa DZBB, galing po ito sa tanggapan ni Senator Risa

Read more on legacy.senate.gov.ph