Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Risa Hontiveros

Q: So ma'am, kumusta yung executive session? Sino yung mga dumalo at ano yung mga information na maaaring yung i-share sa publiko?

SRH:

Siyempre in principle, confidential yung pinakalaman nung binabahagi ng mga agencies natin sa isang executive session.

Kasama po doon yung National Security Council, yung Intelligence Service Armed Forces of the Philippines, yung Anti-Money Laundering Council at marami-rami pang iba. Pati po yung Inter-agency Council Against Trafficking na matagal nang kasama ng Senate Committee on Women sa aming imbestigasyon laban sa POGO, sa mga issue niya ng prostitution, illegal recruitment and detention, yung matagal na Pastillas scam. At ngayon yung tumatagal at lumalawak na usapin ng human trafficking, cyber-scamming, money laundering at mga aspeto din ng national security.

So mailalarawan ko lang kung ano yung mga paksa na natalakay. Halimbawa, nung patapos na yung kabuang executive session, isang panawagan sa national security council na iangat na kay presidente itong usapin ng POGO, yung Philippine Offshore Gaming Operations, POGO bilang national security threat.

Yung isang naging paksa din sa isang exclusive na unang bahagi ng executive session, ay yung isinasagawang link analysis ng ISAFP tungkol sa POGO at iba't ibang mga sentro ng kapangyarihan o yaman dito sa ating bayan.

Isang naging paksa din ay yung itinanong namin na illegal revenue flows ng POGO. So ito, paksa na pinakarelevant sa AMLC. Lalo na patungkol sa meron bang at anong klaseng ganitong mga illegal revenue flows sa pagitan na nina Mayor Alice Guo, yung POGO hub niya sa Bamban at iba pang aktor. So sumaklaw yung buong umagang, tumawid pa nga sa hapong ito na executive session, sa ganito at iba pang mga paksa.

Q: So doon sa sabi, akyat na sa office of the president yung parang national security threat, yun po yung napagkasundoan namin?

SRH: Yun yung isang ipinanawagan, o suggestion siya noong executive session, kineri ko po talaga bilang chair na tulad nung ipinanawagan ko na ilang beses kay presidente na iban na ang POGO, patigilin na ito, palabasin, paalisin na sila sa ating bayan, na-raise din yung ganyang panawagan sa executive session at nasabi po namin directly sa

Read more on legacy.senate.gov.ph