Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Press Conference with Senator Risa Hontiveros

Q: Kay Quiboloy po, di raw po siya magpapaaresto and syempre tinukoy nya kayo ilang beses na raw niya kayong sinasabihan na magpunta sa Supreme Court pero ayaw nyo

SRH: Oh, ang mga victim survivors na ang unang naghabla sa kanya sa korte. Merong pending case pa rin. Dismissed man sa Davao, ay on appeal sa Department of Justice. At korte, hindi lang dito sa Pilipinas. Dahil sa US, may imbestigasyon ongoing sa kanya sa seryoso ring krimen ng human trafficking. Na ang isang side effect ay fin-reeze ng US government ang kanyang assets.

At saka, nilagay siya sa wanted list ng FBI. So, pwede niyang asahan na kapag mas maraming victim survivors ay naghain ng kaso laban sa kanya. Hindi ako. Yung mga victim survivors, ay posibleng ganyan din mga dagdag na proseso pagdadaanan niya dito sa Pilipinas.

Dahil dinedma niya yung dalawang imbestigasyon ng komite, ay nag-issue ang Senado ng sabina laban sa kanya. Isiserve po yan ng Senate security. At binababalaan ko sila, pag hindi sila nagpakita sa susunod na hearing, March 5, isa-cite ko sila in contempt, pa-aaresto ko siya.

Q: Bubuksan nya yung compound nya para maiserve sa kanya ung subpoena kasi sabi niya kanilang property yun eh?

SRH: Kahit ang private property sa Republika ng Pilipinas, ay obligadong tumanggap ng komunikasyon. Mula sa gobyerno natin. And a subpoena, is that kind of official document.

Q: Puntahan ko lang yung doon sa sinasabing alegasyon ng pangmomolestiya syempre no truth to it, single daw siya, hindi siya nag-asawa, mayaman siya kaya siya punag-aagawan kaya pinag-aagawan po siya.

SRH: Hindi ko alam kung single siya, may mga nagsasabing may asawa siya, pero mayaman siya, at least inamin niya yun. Mayaman siya, at least inamin niya yun. Paano naman hindi yayaman? Ang dami-daming mga tao, pati mga bata at menor de edad, ay pinalimos niya ng maraming taon. Napilit binibigyan ng goal o target ng kung ilang libo sa isang araw, 3,000 a day, 1,500 a month tuwing ber months, batay sa testimonya ng mga victim survivors. At lahat iti-turnover sa kanya para sa kanyang marangyang pamumuhay, mansyon, eroplano, at iba pa.

At yung pinag-aagawan siya, ang pinakamatinding testimonya na binibigay ng ating mga kababaihang

Read more on legacy.senate.gov.ph