Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senate media interview with Senator Risa Hontiveros re: grant of bail to former Sen. De Lima

Q: Comment nyo po na pinayagan na magpost bail si Sen. Leila de Lima after 7 years?

SRH: Six (6) years and 9 months... anim na taon at panahon pa para makapanganak ng baby. Sobrang laking vindication nito para kay Sen. Leila at para sa buong oposisyon. Si Sen. Leila na miyembro ng oposisyon na pinakasumalo ng pinakamalakas na dagok mula sa administrasyong Duterte. Si Sen Leila na naglabor sa ilalim ng tatlong walang kakwenta-kwentang kaso at kailangang hintayin na isai-isang magrecant yung mga diumanong saksi laban sa kanya at sa wakas, makapakinabang sa karapatan nyang simpleng magpost ng bail bilang bahagi ng due process.

At pagkatapos ng siguradong maraming luha at tuwa, sa araw na ito, pagpapasalamat na nasurvive nya itong napakatagal at matinding kawalan ng katarungan... pagkatapos niyang mag survive ng isang stroke, pagkatapos niyang mag survive ng isang hostage taking, ay hindi mauubos ang tuwa at ang fighting spirit. At kasunod na nitong mga luha ng tuwa ay mga araw ng paghabol sa katarungan.

Q: May panghihinayang ba kayo na hindi na siya senador at least for now, hindi na siya kasama sa minority?

SRH: Eh syempre nakakamiss si Sen Leila sa Minority. Kahit noong nakaraang dalawang Kongreso ay miyembro naman siya ng Minority - kaya lang isang taon lang na nakasama namin dito sa mga hearing at sa plenaryo. At sa loob ng kalahating dekada, senador siya pero napigilan na tuparin ang kanyang mga tungkulin sa kanyang mga constituents dahil sa kawalang-katarungan ng mga kasong iyan, at mga paninirang-puri na iyan, at mga atake na iyan.

Pero walang bagay na pinagtiisan, walang bagay na ipinaglaban na sa huli masasabi nating nasayang lamang. At gaya ng itinuro sa atin ni Sen Leila sa loob ng higit anim na taon, halos pitong taon, ang anumang ganyang pagdurusa ay - para sa isang tao at isang lider tulad niya - ay magagamit lamang sa mga susunod pang panahon para patuloy na maglingkod sa mamamayan.

Q: Ma'am is this an indictment of not only our judicial processes but also our political system because we all know that former President Duterte pushed for the filing of these cases against the former senator?

SRH: It is partly an indictment of our judicial process and

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA