Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of press briefing: Senator Risa Hontiveros with Senate media

Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayong umaga, nag-file ako ng Senate Resolution No. 867 upang patuloy na himukin ang Malacanang na makipagtulungan na sa International Criminal Court o ICC, ukol sa imbestigasyon nito sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas. Si Presidente mismo ang nangakong itataguyod ang karapatang pantao at ang high level of accountability sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa and cooperating with the investigation is the best way for Malacanang to show its commitment.

Tutal ayon narin sa kanila, mukhang posible itong matagal na nating hinahangad na kooperasyon sa ICC, lalo na ng mga biktima ng mga human rights violations at kanilang mga pamilya. The Philippines has historically been at the forefront of advancing humanitarian law and international justice and it is high time that we affirm our commitment to these values before the international community.

The recent announcements by the President, his allies, and his deputies offer hope for a game changer, for the families of Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo Kulot de Guzman, and tens of thousands of other Filipino families seeking justice for human rights violations. Sana ay hudyat na ito ng mas matibay na pagpapahalaga ng pamahalaan sa hustisya at karapatang pantao at hindi pakitang tao lamang.

Maraming salamat. Bukas na po ako sa inyong mga tanong.

Q: Ano po yung maliban sa statement ng Pangulo na open na siya ang administrasyon o pinag aaralan na ng administrasyon ang pagrejoin, isa din ba sa nakapagtulak sa inyo yung positive reaction na nakikita sa Kamara, a similar resolution?

SRH: So yung resolusyon ko dito sa Senado ay napapanahon na talaga lalo na't nabalitaan namin sa pamamagitan din ninyo sa media na nakatakdang dinigin na ng House ang kanilang mga resolusyon bukas at siyempre bukod diyan at mas mataas diyan napakagandang sinyales mula mismo kina Presidente na ayon sa kanila seryoso nilang pinag aaralan yung pagbalik ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Q: Paano ninyong gustong pakiusapan yung mga kasama ninyo dito, lalo na po ang kapatid ng Pangulo, na iba ang opinyon ukol sa ICC isyu, considering na marami

Read more on legacy.senate.gov.ph