Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senator Risa Hontiveros interview with Lakay Deo Macalma of DZRH

Q: Senator Risa Hontiveros ma'am, magandang umaga po sa inyo Senator.

Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga rin po, lakay at sa lahat po ng ating mga tagapakinig.

Q: Yes ma'am. Abay ngayong nahuli na po si Alice Guo at pabalik na na ng Pilipinas. Kayo nga po ba ang magko-custody kay Alice Guo, Senator ma'am? SRH:

Oo po. Inaasahan po natin na after siyang iproseso ng BI at ng NBI, iti-turnover na siya sa Senado. Ayon sa DOJ, yung earliest arrival niya mula Indonesia, ay mamayang gabi. At pagdating po niya, wala siyang choice kundi dumalo sa pagbinig sa Senado. Kung hindi man mamaya sa 11 a.m. hearing, sa Monday hearing na kaagad. At may mga bagong personalidad po kami na na-identify. At itatanong na namin ito mamaya.

Q: Anong mga bago, Sen. Risa ma'am? Anong mga latest?

SRH: Meron po tayong mga bagong witnesses, resource persons na naimbita. At bagamat yung ilan sa kanila ay mag-sign up mula sa executive session, susubukan po namin kung pwede na po silang mag-testify para lang kumpletuhin na itong kwento ni Alice Guo. Nakapagtataka talaga eh kung bakit yung mga high profile tulad niya na umiiwas sa kamay ng batas ay nahuhuli sa ibang bansa.

Pero hindi magagawa-gawa dito sa Pilipinas. E ganyan po man, of course ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng gumawa ng paraan para maaresto si Alice Guo. At saka to our friends in Indonesia, terima kasih.

Laking tuwa ko talaga na nahuli na siya. Pero ayun na nga, inaamin ko lang na may halong pagkadismaya dahil hindi ito nagawa ng sarili nating law enforcement.

Q: Pero Senator Risa, hindi kaya madelay yung pagbabalik dito dahil humihingi raw po ang Indonesian authorities na yung isang fugitive sa kanila, itong isang Australian national nasa lang na si Haas, eh i-extradite, ibalik sa kanila, dalhin sa Indonesia, Senator. Ano ang procedure dyan? Ano po ang hindi ba makasagabal sa pagbabalik ni Alice Guo?

SRH: Well, I hope talaga na kayo hindi makasagabal if ever baka makadagdag ng ilang panahon bago mag-desisyon ang gobyerno natin. Kung baga ang bolang iyan nasa court ng executive. Kasi oo, may extradition treaty sa pagitan natin at ng Indonesia pero may mga provision dyan kung yung hinihinging tao mula dito, kung yung

Read more on legacy.senate.gov.ph