Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PVL Board sinopla ang protesta ng PLDT | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mismong ang PLDT na ang naghayag ng desisyon ng Premier Volleyball League (PVL) Board na ibasura ang kanilang isinampang protesta sa kontrobersyal na five-set loss sa Akari sa knockout semifinals ng 2024 Reinforced Conference.

Sa kanilang social media pages post ay sinabi ng High Speed Hitters na nagbaba ng desisyon ang PVL Board noong Linggo ng gabi.

“We sadly share the news that the Premier Volleyball League has decided to junk our protest regar­ding their referees’ decision to not call a net touch on a crucial juncture of our match versus Akari in the semifinals,” ang official statement ng PLDT.

Isinampa ng High Speed Hitters ang protesta noong Linggo ng umaga.

Hawak ang 14-13 lead sa fifth set, tumawag ang PLDT ng net fault challenge kung saan nakita nilang nagalaw ni Akari middle blocker Ezra Madrigal ang net.

Matapos ang review ay itinuring itong unsuccessful challenge ng mga PVL officials na nagbigay sa Chargers ng puntos at nagtabla sa laro sa 14-14.

Sa huli ay pinatalsik ng Akari ang PLDT, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, patungo sa kanilang kauna-unahang PVL finals stint.

“We are yet to know what this horrible experience is trying to teach us but one thing PLDT is proud of as a team is how we are one in fighting for the integrity not just of our team but of the entirety of Philippine volleyball,” wika ng koponan.

“The High Speed Hitters are in the business of inspiring the next generation of athletes who will one day play in the big leagues. So to the kids watching all of this unfold, whatever adversity that comes along the way, please continue to fight. Because we will,” sabi ng tropa.

Umatras na rin ang PLDT sa pagsabak sa 2024 PVL Invitational Conference sa Setyembre 4 hanggang 11 dahil sa injury nina Fil-Canadian Savi Davison at Kianna Dy.

Read more on philstar.com