Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Quiambao, Ferrer umarangkada sa UAAP basketball | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos magpamalas ng all-around plays nitong linggo, kinilala ang kontribusyon nina Kevin Quiambao at Tantoy Ferrer sa patuloy na pagragasa ng De La Salle Green Archers at UST Growling Tigresses.

Itinala ni Quiambao ang unang triple-double ng kompetisyon mula 2018 para sa La Salle sakay ng tatlong sunod na panalo habang si Ferrer ang trumangko sa pag-alagwa ng UST sa ikaapat na sunod na tagumpay.

Bunsod nito, hinirang ng Collegiate Press Corps sina Quiambao at Ferrer bilang UAAP Men's and Women's Players of the Week para sa petsa Oktubre 22-29.

Bumomba si Quiambao ng 17 puntos, 11 rebounds at 14 na assists sahog pa ang apat na steals sa 88-78 matamis na higanti kontra sa NU Bulldogs matapos magbuhos ng 22 puntos, 12 rebounds, anim na assists at limang steals sa 100-69 na pagtambak nila sa UST.

Hindi nagulat ang coaching staff ng La Salle sa ipinakitang laro ng nangungunang kandidato sa MVP na si Quiambao, bilang resulta ng tiwala sa sistema ng coach na si Topex Robinson.

"The trust that he has with his teammates and the trust that his teammates have for him, hindi mo siya masusukat, kasi during practice we see him and we're not surprised na nangyayari yun during the game," wika ni assistant coach Gian Nazario.

"The credit really goes to him because of the work that he puts in."

Pumoste ng triple-double na average si Quiambao sa dalawang panalo matapos magsalin ng 19.5 puntos, 11.5 rebounds, 10 assists, at 4.5 na steals bawat laban upang maging unanimous choice ng mga peryodista mula sa dyaryo at online.

Naungusan ni Quiambao ang kakamping si Jonnel Policarpio, LJ Gonzales ng FEU, at Gerry Abadiano ng UP para sa lingguhang pagkilalang handog ng San Miguel Corporation kasama ang minor sponsors na Discovery Suites at Jockey.

Sa kabilang banda, patuloy ang pagkinang ng laro ni Ferrer matapos makabangon sa anterior cruciate ligament injury noong Season 85.

Gumanti ang UST sa kanilang pagkakatalo sa UP Fighting Maroons sa tulong ng krusyal na three-point play ni Ferrer na nagpalawig ng kanilang lamang sa siyam.

Sapat na ang bentaheng naipundar ng UST upang mapabagsak ang Maroons, 74-72, buhat ng 19 puntos, siyam na rebounds, apat na assists,

Read more on philstar.com