Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Quiambao ng La Salle, Konateh ng NU wagi bilang UAAP Players of the Week | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ng La Salle Green Archers at National University Lady Bulldogs ang kanilang malinis na kartada sa ikalawang round ng UAAP Season 86 men’s and women’s basketball tournament sa likod ng pambihirang kampanya nina Kevin Quiambao at Jainaba Konateh, ayon sa pagkakasunod.

Habang itinala ni Quiambao ang kanyang pangalawang triple-double para dalhin ang La Salle pabalik sa Final Four, si Konateh naman ay tinulungan ang NU upang makamit ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo.

Bunsod nito ay hinirang ng Collegiate Press Corps sina Quiambao and Konatebah bilang UAAP Men's and Women's Players of the Week para sa petsa Nobyembre 4-12.

Nagtala ang super sophomore na si Quiambao ng 17 puntos, 19 rebounds at 12 na assists na may kasama pang apat na steals at dalawang blocks sa kanilang 86-76 na panalo kontra UE Red Warriors upang maging kauna-unahang manlalaro sa modernong kasaysayan ng liga na magtala ng higit isang triple-double sa isang season.

Nauna na nang naglista si Quiambao ng 17 points, 11 rebounds, and 14 assists sa 88-78 panalo nila kontra sa NU para sa unang triple double sa UAAP simula 2018.

Naungusan ni Quiambao sina Jake Figueroa ng NU, Joseph Obasa ng Ateneo, at CJ Cansino ng UP para sa lingguhang pagkilala handog ng San Miguel Corporation kasama ang minor sponsors na Discovery Suites at Jockey.

“Kevin is really a blessing to have for coaches, you have a coach’s dream and he’s one of those guys that I’m so fortunate to coach. He and these guys just make my life easier,” ani head coach Topex Robinson.

“One good thing about Kevin is he makes everybody around him look good. That just shows how much he really cares for this team more than obviously getting that individual award or winning a championship.”

Samantala, si Konateh naman ay patuloy na nagniningning para sa eight-peat-seeking na Lady Bulldogs ngayong Season 86.

Bitbit ang ikasiyam na sunod na panalo sa kabilang banda, nasikwat ng NU ang isa sa twice-to-beat advantages sa Final Four.

Tinulungan ni Konateh na makalusot ang Lady Bulldogs kontra UST Growling Tigresses, 77-76, tampok ang walong puntos at 16 rebounds.

Hindi nagpaawat si Konateh sa 73-64 panalo nila kontra sa

Read more on philstar.com