Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Repatriation sa mga Pinoy sa Israel ‘di pa tamang panahon - DMW | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa umano napapanahon na magsagawa ng mass repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa giyera sa Israel.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, maselan pa ang sitwasyon ngayon sa naturang bansa kaya’t hindi pa aniya ligtas para magsagawa ng mass repatriation sa mga Pinoy na naroroon.

Sinabi ni Cacdac na sa ngayon ay patuloy nilang minu-monitor ang sitwasyon sa Israel at naghihintay aniya sila ng safe window para mailikas ang ating mga kababayan.

Ipinaliwanag ni Cacdac na ang kanilang pondo at mga personnel ay nakaantabay na sa ngayon ngunit ang repatriation aniya ay isang mass effort kung saan ang mga Pinoy ay kinakailangang ibiyahe patungo sa mga paliparan.

Dagdag pa niya, pinapayuhan din ng pamahalaan ng Israel ang mga residente at mga dayuhan doon na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan dahil magiging mas ligtas sila doon.“Hindi pa ito ‘yung tamang panahon na mag-mass repatriation... Maselan ‘yung sitwasyon, hindi pa safe,” aniya pa, sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Una nang sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio na nakatanggap na sila ng 10 requests para sa repatriation.

Kaagad rin naman umano nilang sisimulan ang paglilikas sa mga Pinoy sa sandaling makakuha na sila ng “full clearance” mula sa Israeli government at sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Read more on philstar.com