Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sotto hataw sa Japan Basketball League | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumabas ang tunay na laro ni Gilas Pilipinas standout Kai Sotto nang magtala ito ng career-high sa 90-85 overtime win ng Yokohama B-Corsairs kontra sa Chiba Jets sa Japan B.League na ginanap sa Funabashi Arena sa Japan.

Hataw ang 7-foot-3 Pinoy cager ng career-best 26 points mula sa impresibong 9-of-13 shooting clip para banderahan ang Yokohama sa panalo.

Kumana pa si Sotto ng season-high 11 rebounds para maitarak ang ikalawang sunod na double-double output nito sa liga.

Nauna nang umiskor si Sotto ng 18 points at 10 rebounds sa 79-89 pagyuko ng Yokohama sa China sa kanilang unang pagtatagpo noong nakaraang linggo.

Naging matikas na sandalan ng Yokohama si Sotto partikular na sa extra period kung saan naglista ito ng anim na puntos kabilang ang dalawang krusyal na free throws na naitarak nito sa huling segundo ng laro.

Nakatuwang ni Sotto si Jarrod Uthoff na umiskor naman ng 17 puntos at walong rebounds para sa Yokohama.

Bahagyang gumanda ang rekord ng Yokohama na umangat sa 17-22 marka. 

Read more on philstar.com