Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Thunder binanatan ang Nuggets | Pang-Masa

DENVER — Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 points at may 25 markers si Chet Holmgren sa 102-87 pagdaig ng Oklahoma City Thunder sa Nuggets.

Kumolekta rin si Holm­gren ng career-high 14 rebounds, 4 blocked shots at 2 steals para sa Thunder.

Kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 16 points, 12 rebounds at 13 assists sa panig ng Nuggets.

Kapwa nagtapos ang OKC at Denver na may parehong 57-25 record sa nakaraang season kung saan naagaw ng Thunder sa Nuggets ang top seed sa Western Conference via tiebreaker.

Ngunit nabigo ang OKC sa Dallas Mavericks sa Conference semifinals series.

Sa Dallas, naglista si Luka Doncic ng 28 points, 10 rebounds at 8 assists habang may 22 markers si Klay Thompson sa kanyang Mavericks debut sa kanilang 120-109 panalo sa San Antonio Spurs.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 15 points para sa defending Western Conference champions.

Ito ang unang laro ni Thompson, kumonekta ng anim na three-point shots, para sa Dallas matapos iwanan ang Golden State Warriors.

Sa Washington, bu­manat si Jaylen Brown ng 27 points kasunod ang 25 markers ni Jayson Tatum sa 122-102 paggupo ng nagdedepensang Boston Celtics sa Wizards.

Sa Sacramento, nagposte si Julius Randle ng 33 markers sa 117-115 pag-eskapo ng Minnesota Timberwolves sa Kings.

Read more on philstar.com
DMCA