Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Trillanes nagsampa ng cyber libel vs Roque, SMNI hosts, pro-Duterte vloggers | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Haharap sa reklamong libelo at cyber libel ang ilang personalidad matapos diumano magkalat ng disinformation tungkol kay dating Sen. Sonny Trillanes IV, isa na rito ang sinasabing papel ng huli sa pagkawala ng Scarborough Shoal sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Trillanes sa publiko sa isang tweet na ipinaskil ngayong Martes ng hapon.

"Ngayong araw na ito, tayo po ay nagsampa ng kasong libel at cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office at sa National Bureau of Investigation laban kina Atty. Harry Roque, Vlogger Banat By, mga hosts ng SMNI, at mga pro-duterte trolls na patuloy na nagkakalat ng fake news sa iba’t ibang social media platforms laban sa akin," ani Trillanes.

Ngayong araw na ito, tayo po ay nagsampa ng kasong libel at cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office at sa National Bureau of Investigation laban kina Atty. Harry Roque, Vlogger Banat By, mga hosts ng SMNI, at mga pro-duterte trolls na patuloy na nagkakalat ng fake news sa…

Kabilang pa sa mga accounts na gustong masampolan ni Trillanes ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sumusunod:

Inireklamo ni Trillanes si Roque, na tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos igiit na siya ang dahilan kung bakit nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.

"Wag mong kakalimutan Trililing. Matapos na ika’y magbalik-balik sa China, hindi lang nawala ang Scarborough Shoal. Nagsimula na ang problema natin sa Pilipinas, na para bagang binalewala na ng Pilipinas ang  ating mga pag-aangkin sa karagatan at isla. Ikaw ang pumasok sa secret agreement," ani Roque sa isang video.

"Trililing, ikaw – ikaw ang pumasok sa secret agreement! Ikaw ang namigay ng teritoryo! Ikaw at ang pangulo mo ang dahilan kung bakit nawala ang Scarborough Shoal!"

Ang video na ito ay inilabas ni Roque sa kanyang opisyal na Facebook page kaugnay ng diumano'y gentleman's agreement ni Duterte sa Beijing kaugnay ng West Philippine Sea.

Una nang tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na "secret agreement" ang naturang usapan, bagay na maaari aniyang makaapekto sa soberanya ng Pilipinas lalo na't itinago raw ito sa mata ng publiko.

Ang mga komento ni Roque ay sinegunduhan ni Byron

Read more on philstar.com