Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Unang undergraduate dual-degree program ng AIM: Paghubog sa future data scientists ng Pilipinas | Pilipino Star Ngayon

Ang data science -- o ang proseso ng pagkuha ng kaalaman at mga insight mula sa mga datos – ay isang mabilis na lumalagong larangan na may malawak na aplikasyon sa negosyo. Makatutulong ito sa mga negosyante para sila’y makagawa ng mas magandang mga desisyon, mas epektibong mga produkto at serbisyo, at mas malamangan ang kompetisyon. Napakarami nang mga industriya ang gumagamit nito ngayon --- retail, manufacturing, healthcare, financial at mga technological company, at maging ang mga ahensya ng gobyerno.

Kaya tama ang naging direksiyon ng Asian Institute of Management (AIM) na pagsamahin ang data science at business sa isang bagong degree -- Bachelor of Science in Data Science and Business Administration (BSDSBA). Sa nakalipas na 55 taon, nakilala ang management school para sa magaling na graduate programs nito. Kaya magandang balita na nagpasya itong mag-alok ng isang undergrad program ngayong taon – na isang dual degree program pa!

Sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng schoolyear, sinabi ni AIM President at Dean Dr. Jinkyeong Kang na ang kagustuhang mas maagang makapag-ambag sa pagpapa-unlad ng bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit nila binuo ang undergraduate program.  “We collectively concluded that we want to start early,” sabi pa niya.

Lalo pang nagpaganda sa BSDSBA program ng AIM ang pakikipagsanib-puwersa nito sa isa pang prestihiyosong institusyon -- ang University of Houston (UH).  “It’s one of the largest business schools in the US and has the largest undergraduate business program in the State of Texas,” sabi ni Dr. Nikhi Celly, Director ng Office of Global Initiatives sa Bauer College of Business sa UH.

Pinagsanib ng dual degree program ang puwersa ng Aboitiz School of Innovation, Technology, and Entrepreneurship ng AIM (sa pamamagitan ng BSDSBA program nito), at ng C.T Bauer College of Business ng UH (sa pamamagitan naman ng kanyang Bachelor of Business Administration Major in Management Information Systems o BBAMIS).

Ang programa ay ituturo ng mga miyembro ng faculty mula sa AIM at UH, “na nagtulungan upang bumuo ng isang kurikulum na komprehensibo at na magbibigay sa mga estudyante ng pinakamagandang edukasyon sa negosyo at data science.”

Ang

Read more on philstar.com
DMCA