Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Vitamin sea sa Discovery Shores Boracay | Pilipino Star Ngayon

Kahit gaano tayo kumayod at magtrabaho, hindi dapat kalimutan ang pagpapahinga at pag-re-recharge. Lagi natin dapat inaalagaan ang ating physical at mental health. Ito ang isa sa aking mga natutunan sa aming trabaho at sa aming napaka-hectic na schedule sa media – ang halaga ng pag-re-relax at paglalaan ng oras para magbonding kasama ang pamilya.

'Vitamin sea'

Pagdating sa family bonding at pagre-relax, paborito ng aming pamilya ang dumayo sa mga beach resort.

Ano nga ba ang meron sa dagat na nagbibigay ng kakaibang kapayapaan at ginhawa? Ayon sa mga pag aaral, nakabubuti ito sa pangkalahatang kalusugan at mental health. Isa sa clinical psychologists ang nagsabi na ang kulay asul ay maihahalintulad sa kalmado at payapang pakiramdam.

Importante ang regular na family bonding para pangalagaan ang ating mental health. Enjoy kami sa picture-taking sa beachfront ng Discovery Shores Boracay! Napakaganda, napakapino at napakaputi ng buhangin!

Napakapalad natin para manirahan sa isang bansang biniyayaan ng mayaman at magagandang beach resorts na talaga namang maipagmamalaki sa buong mundo. Sa katunayan, ang Pilipinas ay binansagang World’s Leading Dive Destination at World’s Leading Beach Destination sa taong 2022 noong 29th World Travel Awards.

Ang Discovery Shores Boracay ang itinuturing na isa sa mga pinakamaganda sa Boracay. First time naming pumunta rito at talaga namang nag-enjoy ang aming pamilya.

Unang-una, mayroon silang hassle-free airport service, kaya naman stress-free ang aming biyahe papunta at paalis sa resort. Pagkarating namin doon, sinalubong kami ng mababait at masayahing hotel staff, complimentary drinks, at masasarap na welcome treats sa aming kwarto.

Nakatutuwa ang personalized welcome souvenirs ng
Read more on philstar.com