Blazers umeskapo sa Altas | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Naisuko ng College of Saint Benilde ang itinayong 20-point lead bago malusutan ang University of Perpetual Help System Dalta, 86-80 sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Umasa ang Blazers kina Robi Nayve at Migs Oczon sa fourth period para ilista ang kanilang 3-3 record habang natikman ng Altas ang ikaapat na kabiguan sa limang laro.
Muntik mabalewala ang ipinosteng 20-point lead, 75-55, ng St. Benilde sa final canto matapos maagaw ng Perpetual ang unahan sa 80-71.
Sa unang laro, umiskor si Jessie Sumoda ng 15 points para tulungan ang San Sebastian College-Recoletos sa 72-59 paggupo sa Jose Rizal University.
“Sa past few games namin na natalo kami, nawala iyong communication namin and then more on one-on-one kami kaya bumalik kami sa comfort zone namin,” wika ni Sumoda.
Nagdagdag sina Raymart Escobido at Alex Desoyo ng tig-12 markers habang may 11 points si Romel Calahat para sa 2-3 baraha ng Stags na tinapos ang dalawang dikit na pagkatalo.
Nagwakas naman ang three-game winning streak ng Heavy Bombers, nakahugot kay Agem Miranda ng 15 points, 8 rebounds, 2 assists at 2 steals, para sa kanilang 4-2 marka.