Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

4 ‘shabu dealer’ sangkot sa terorismo, arestado | Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Apat na hinihinalang dealer ng shabu sa dalawang probinsya ng Bangsamoro region na may koneksyon diumano sa mga lokal na teroristang grupo ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya mula Miyerkules hanggang Sabado.

Sa ulat, isang magsasaka na Maguindanaon na pinaniniwalaang “asset” o informer ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Aladin Ana Anguso ang nalambat ng mga pulis na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin, sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, sa ikinasang isang operasyon sa tulong ng mga residente roon.

Kasunod nito, isang big-time shabu dealer na matagal nang may mga kaso sa pagtutulak sa Lanao de Sur, na isang Maranaw at naiulat na dating kasapi ng nabuwag ng Maute terror group, ang mapayapang nasilbihan ng warrant of arrest mula sa isang korte sa isang operasyon sa Barangay Poblacion, Bacolod Kalawi at ngayo’y nasa kustodiya ng Lanao del Sur Provincial Police Office at ng Bacolod Kalawi Municipal Police Station.

Samantala, dalawang etnikong Iranun naman ang na-entrap ng mga pulis sa Barangay Marang sa Barira, Maguindanao del Norte na parehong matagal nang minamanmanan ng pulisya at intelligence agents ng provincial police.

Read more on philstar.com