Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Kasambahay umamin sa pagpatay, pagsunog sa mag-asawang senior | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umamin na ang inarestong kasambahay sa mga awtoridad sa kanyang ginawang pagpatay at panununog sa mga among senior citizens noong Martes ng gabi sa kanilang bahay sa Standford St. Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Sa kanyang salsaysay sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), idinitalye ni Marilyn Mante Pandita, 48, stay-in kasambahay  ang kanyang ginawang krimen sa kanyang mga among  may edad  80 at 78.

Ayon kay Pandita, bandang alas-5 ng hapon nang inabangan niya ang paglabas sa banyo ng babaeng amo na dito ay pinalo niya ng dalawang  beses sa ulo ng  llabe.

Nang bumagsak sa sahig, muli niyang pinalo banda sa tenga. 

Tinungo naman ni Pandita ang among lalaki at inasikaso ang pagkain bandang alas-5:45 ng hapon. At nang matapos matapos kumain ay hinanap pa umano nito ang kanyang misis. Sinagot naman ni Pandita na nasa taas na kuwarto lamang ito.

Hindi na muling nagtanong ang among lalaki at sa halip ay umupo na lamang ito silya sa loob ng kanilang kuwarto.

Habang nakatalikod ay dito rin niya hinampas ito ng ng dalawang beses sa ulo gayundin sa tenga. Mabilis niyang kinuha ang susi ng vault at kinulimpat  ang pera.

Muli niyang binalikan ang babaeng amo at dinala sa kuwarto ng kanyang lalaking amo.

Palabas na siya ng kuwarto ng mag-asawa dala ang sobre ng pera nang mapansin niyang  gumagalaw pa ang among lalaki. Dito ay kinuha  niya ang  icepick sa kusina at pinagsasaksak  ito sa mukha.

Agad na inayos ni Pandita ang kanyang gamit upang tumakas subalit nakatanggap ito ng tawag mula sa anak ng biktima.

Upang maitago ang krimen, kumuha ng pos­poro si Pandita at sinindihan ang kumot sa kuwarto ng mag-asawa. 

Nang lumalaki na ang apoy nagtungo si Pandita sa kanyang kuwarto hanggang sa marinig ang tawag ng isa pang anak ng mga biktima mula sa labas ng gate. 

Dahil sa  lumalakas na apoy, napilitan si Pandita na lumabas ng bahay dala ang kanyang maleta kaya dinala  ng mga tauhan ng barangay sa barangay hall at dito naman tumakas. Agad din namang nasakote si Pandita.

Giit ni Pandita, hindi niya  kinakaya ang masasakit na salita at pang-aabuso ng kanyang mga amo.

Sinampahan ng kasong two counts ng

Read more on philstar.com