6th win target ng Magnolia | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Ang pang-anim na sunod na arangkada ang misyon ng Magnolia, samantalang magpaparada naman ng bagong import ang Converge.
Lalabanan ng Hotshots ang Blackwater Bossing ngayong alas-8 ng gabi sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa alas-4 ng hapon ay itatampok ng FiberXers si 6-foot-7 Jamil Wilson kontra sa Batang Pier.
Solo ng Magnolia ang liderato hawak ang 5-0 record kasunod ang Phoenix (5-1), Barangay Ginebra (4-1), Meralco (4-1), San Miguel (3-1), NorthPort (3-2), TNT Tropang Giga (2-3), Terrafirma (2-4), NLEX (2-4), Rain or Shine (1-5), Blackwater (1-5) at Converge (0-5).
“We try to remind our players about playing strong and finishing stronger,” ani Hotshots coach Chito Victolero matapos ang 99-72 paggiba sa Road Warriors.
Laglag ang Bossing sa limang dikit na kamalasan.
Samantala, umaasa si coach Aldin Ayo na maibibigay ni Wilson ang unang panalo ng FiberXers sa torneo sa pagsagupa sa mapanganib na Batang Pier.
Si Wilson ang papalit kay Tom Vodanovich.
Naglaro si Wilson para sa Los Angeles Clippers sa isang two-way contract.