Cardinals, Red Lions unahan sa 1-0 bentahe sa NCAA Finale | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Higit sa tatlong dekada nang hindi nakakatikim ng kampeonato ang Mapua University, habang ang ika-12 korona ang target ng San Beda University.
Magtutuos ang Cardinals at Red Lions ngayong alas-2 ng hapon sa Game One ng NCAA Season 99 men’s basketball championships sa MOA Arena sa Pasay City.
Sinibak ng No. 1 Mapua ang No. 4 College of St. Benilde, samantalang dalawang beses tinalo ng No. 3 San Beda ang No. 2 Lyceum of the Philippines University sa Final Four para itakda ang kanilang best-of-three titular showdown.
Huling naghari ang Cardinals sa NCAA noong 1991 at target ang pang-pitong titulo sa kabuuan.
“Focus muna sa Game One,” sabi ni Mapua coach Randy Alcantara na miyembro ng nasabing champion team ng Intramuros-based team.
Sina Clint Escamis, Paolo Hernandez at Warren Bonifacio ang muling aasahan ni Alcantara para sa Cardinals.
Sasandigan ng Red Lions sina Jacob Cortez, Jomel Puno, James Payosing at Yukien Andrada.
“Tingin ko kasi pang-sixth na do-or-die na namin ito eh, simula nang matalo kami sa Mapua,” ani coach Yuri Escueta.