Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

AFP ‘standby’ sa fishing ban, arrest policy ng China | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda sila sa anumang posibleng tensiyon na dulot ng implementasyon ng fishing ban at pag-aresto ng China sa mga mangingisda sa South China Sea at West Philippine Sea.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang paghahanda ng AFP ay bunsod ng hindi pagkilala sa fishing ban na ipinatutupad ng China.

“Hindi natin nire-recognize ang fishing ban na ito. Ito ay sa ating territorial waters at dapat talaga ang ating mga mangingisda can freely fish in these waters,” ani Padilla.

Sinabi ni Padilla na may mga contingency plans at resources ang AFP upang agad na makatugon sakaling magkaroon ng gulo.

Giit ni Padilla na nakasuporta ang AFP sa ­Philippine Coast Guard at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources bunsod ng fishing moratorium at pag-aresto sa umano’y “trespassers” sa South China Sea ng walang gagawing paglilitis.

Sa katunayan ayon kay Padilla, hinihikayat pa rin nila ang mga Pilipinong ma­ngingisda na ituloy lamang ang kanilang pangingisda sa katubigan na sakop ng Pilipinas. Nakabantay at nakasuporta anya ang AFP sa mga mangingisda at sa mga posibleng pangha-harass ng China.

Matatandaang sinabi na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nila tinatanggap ang ‘detention policy’ ng China.

Read more on philstar.com