Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Telcos dapat rent-free tulad ng water at power utilities — telco operations expert | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang telecommunications operations expert na dapat itrato ang telco services na katulad ng sa water at power utilities dahil ang internet connection sa digital age ay “naging isa nang karapatang pantao.”

Ayon kay Atty. Froilan Castelo, presidente ng Philippine Chamber of Telecommunication Operators at general counsel ng Globe Group, dahil marami nang pang-araw-araw na operasyon ang naging digitized, tama lamang na bigyan ng pagpapahalaga ang internet connections sa pamamagitan ng pag-aalis ng lease fees para sa telcos sa mga pasilidad na kanilang ginagamit para maserbisyuhan ang publiko at mapagbuti ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagpapalawak sa kanilang imprastruktura.

Iginiit ni Castelo ang mga panawagan at hakbang ng ilang mambabatas at stakeholders na nais rebisahin ang National Building Code of 1977 upang alisin ang lease fees para sa telecommunication infrastructure at matulungan ang telcos na maka-access sa cell sites nang mas mabilis.

Ang House Bill Nos. 8534 at 900, na may magkaparehong layunin, ang dalawa sa mga panukala na inihain sa House of Representatives na naglalayong bigyan ang property developers ng tiyak na mga tuntunin at depinisyon sa kung gaano kalaking espasyo ang dapat nilang ilaan upang magkaloob ng kailangang telecommunication services.

Sinabi pa ni Castelo na ang telcos sa buong mundo ay nagsisimula nang makakuha ng suporta upang maalis ang regulatory roadblocks para suportahan ang kanilang imprastruktura at finance builds, at dapat aniyang ganito rin ang mangyari sa Philippine telcos dahil ang upa na kanilang binabayaran ay mas makabubuting gastusin sa imprastruktura para sa pagpapalawak ng kapasidad at coverage.

"Telcos around the world are experiencing revenue downtrends, and the Philippine telcos are no exception with low single-digit growths. However, capex and opex continue to rise on this capital-intensive industry and data-hungry customer base, further putting pressure on growth prospects in the coming years. This will create tension and delays in the infra builds that will affect service to the public," sabi ni Castelo tulad ng naka-post sa website ng Insider PH.

Sa 2021 data mula sa

Read more on philstar.com