Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Bad cholesterol, i-kontrol! | Pilipino Star Ngayon

“Ber” months na naman!! Kaliwa’t kanan na naman ang pagsasalu-salo at Christmas parties kung saan paboritong inihahain ang lechon, crispy pata, sisig, at pritong manok! Siyempre, hindi kumpleto ang kasayahan kung wala ang mga putaheng ito! Pero isang paalala lamang: bantayan ang iyong cholesterol level!

Paalala ng mga eksperto, hindi lamang mga adult o matatanda ang nagkakaroon ng dyslipidemia o high cholesterol level, pati bata puwede rin.

Kamakailan, nagsilbi akong host sa isang media conference na pinangunahan ng Sanofi Philippines at A. Menarini Philippines na may temang "Lipid Talks: Bad Cholesterol, Dapat I-Control.”

May isang nakababahalang rebelasyon ang mga nakapanayam kong doctor. Sa Pilipinas, 47.2% ng mga adult ang may mataas na total cholesterol level, samantalang umaabot sa mahigit 47.5% naman ang may mataas na antas ng bad cholesterol. Dahil dito, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na may pinakamataas na porsyento ng bad cholesterol levels.

Tinatawag na isang “naturally occurring substance” o parte na ng katawan ang kolesterol na dumadaloy sa dugo bilang lipoproteins," pahayag ni Dr. Mia Fojas, isang endocrinologist. "May dalawang pangunahing uri ng lipoprotein: high-density lipoprotein (HDL) o 'good cholesterol' at low-density lipoprotein (LDL) o 'bad cholesterol'. “Maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang ‘bad cholesterol’," paliwanag niya. Dyslipidemia ang tawag sa kondisyon ng pagkakaroon ng labis-labis na ‘bad cholesterol’ sa dugo.

Mapanganib ba sa ating kalusugan ang pagkakaroon ng mataas na bad kolesterol? Ang sagot ay oo. “Maaaring maging dahilan ng pagkabara sa mga ugat sa puso ang pagkakaroon ng mataas na bad cholesterol. Ito nama’y pwedeng magdulot ng malubhang

Read more on philstar.com