Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Gilas Pilipinas pahinga muna | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na kampanya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China, walang ibang nasa isip ang bawat miyembro ng Gilas Pilipinas kundi ang magpahinga.

Dumaan sa pukpukang ensayo ang Gilas Pilipinas bago ito tumulak sa Hangzhou.

Naging sunud-sunod din ang laro ng Pinoy squad kaya’t pagod na ang mga katawan nito.

Kaya naman binigyan ng pahinga ang Gilas Pilipinas lalo na ang mga naglaro sa FIBA World Cup na unang ginaganap sa Maynila kasunod ang Asian Games.

“Karamihan sa team na ‘yun played in World Cup so walang pahinga,” ani Gilas Pilipinas team manager Alfrancis Chua.

Tumulak na patungong Amerika sina Gilas Pilipinas head coach Tim Cone at naturalized player Justin Brownlee na doon nagpasyang magpahinga.

Subalit magiging maiksi lang ang pahinga nina Cone at Brownlee dahil agad itong babalik para makasama ang Barangay Ginebra sa paghahanda para sa pagbubukas ng PBA Season 48 sa Nobyembre 5.

Nasa France naman si naturalized player Angelo Kouame na doon muna maglalaro.

“Tim left today. Si Brownlee, kailangan din umalis. Si Kouame, for sure hindi na muna natin makikita kasi may contract sa Europe. Tapos yung iba, a lot of my players kinansel yung lipad nila for the Asian Games, yung iba pinabalik ko pa,” ani Chua.

Mismong si Chua na ang kumausap sa mga mother teams ng mga Gilas players upang bigyan ng sapat na pahinga ang mga ito.

“I told the players, ako na mismo kakausap sa mother teams n’yo na makakuha kayo ng sampung araw na bakasyon. Si Chris Newsome, Meralco, I’ll talk to Meralco. Let’s give them a break. Lahat magpapahinga. Pati si Tim, gusto niya magpahinga,” ani Chua.

Read more on philstar.com