Bagyong Hanna papalabas na ng bansa, Signal no. 1 itinaas sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands –PAGASA Bandera
BAHAGYANG lumakas ang Bagyong Hanna habang binabadya ang Taiwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ibig sabihin niyan, papalabas na ng ating bansa ang nasabing typhoon.
“Nakikita natin sa ating track na habang binabaybay ni Hanna itong karagatan sa silangang bahagi ng Taiwan, asahan natin na mas lalakas pa or slightly mag-intensify itong bagyong ito,” sey ni Weather Specialist Daniel James Villamil sa isang press briefing ngayong September 3.
Paliwanag pa niya, “At habang binabaybay ni Hanna ang kalupaan ng Taiwan hanggang mamayang gabi, asahan natin ‘yung weakening o paghina ng bagyo at posible itong makalabas ng ating Philippine Area of Responsibility mamayang gabi or bukas ng madaling araw.”
Base sa 5 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 215 kilometers North Northeast of Itbayat, Batanes.
Baka Bet Mo: Price cap sa bigas na P41 hanggang P45 ipatutupad na simula Sept. 5
Taglay nito ang lakas ng hanging 150 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos ito ng pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
At dahil nga lumakas ang bagyo, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Batanes at northern portion ng Babuyan Islands.
Ayon sa weather bureau, asahan ang malakas na bugso ng hangin at pag-ulan sa dalawang lugar.
“Nakikita natin sa latest satellite images na itong rainbands ni Bagyong Hanna ay nahahagip na or nagdudulot na ng mga pag-ulan sa hilagang bahagi ng Extreme Northern Luzon sa mga isla ng Batanes at Babuyan,” sambit ni Villamil.
Sinabi rin ng ahensya na nagpapaulan din ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat bilang pinapairal o hinahatak ito ng bagyo.
Dahil diyan, asahang