Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Buhain nananawagan ng kooperasyon sa Philippine aquatics community | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panahon na para sa pagkakaisa at pagsusulong ng mga programa para sa kaunlaran ng Philippine swimming.

Ito ang sinabi ni Philippine Aquatics Inc.  (PAI) Secretary-General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain matapos ang pormal na pagbibigay ng pagkilala sa PAI ng World Aquatics at Philippine Olympic Committee (POC).

“Sa ngalan ng ating Pangulong Michael “Miko” Vargas, nais kong pasalamatan ang World Aquatics Bureau na pinamumunuan ni Pangulong Husain AL Musallam at Executive Director Brent Nowicki para sa ganap na pagkilala sa Philippine Aquatics Inc  bilang Regular na miyembro,” wika ng Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer.

Sa isang memorandum na ipinadala kay Vargas ay kinumpirma ng World Aquatics Bureau ang pormal na pagkilala sa PAI bilang miyembro.

Ang pagkilala ng WA sa PAI ang nagpatibay sa pagtanggap sa grupo ni Vargas bilang opisyal na aquatics body sa bansa.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Buhain sa Philippine Olympic Committee General Assembly para sa nagkakaisang pagboto upang aprubahan ang kanilang pagkilala bilang nag-iisang NSA para sa aquatics sa bansa.

“Sa pagkilalang ito, marangal na nating kinakatawan ang Pilipinas sa mga internasyonal na kompetisyon,” ani Buhain.

Hinikayat ni Buhain ang kooperasyon ng buong komunidad ng aquatics.

Ang mga tryout ay magsisilbing proseso ng pagpili para sa mga miyembro ng Philippine Team para sa 46th SEA Age Group Aquatics Championship sa Thailand, mula Agosto 15 hanggang 18, 2024.

Ang mga interesadong manlalangoy, lokal man o internasyonal ay dapat lumahok nang personal sa tryout na ito upang maisaalang-alang  para sa mga pre-identified swimming competitions para sa 2024.

“Ang mga karagdagang pre-identified na kumpetisyon ay iaanunsyo sa sandaling maaprubahan ito ng PAI at makumpirma. Para sa 46th Sea Age Group, ang Qualifying Time ay 3rd place time ng 45th edition ng Southeast Asian Age Group na ginanap sa Jakarta. Qualifiers will be fully sponsored by the PAI,” ani Buhain.

Nilinaw din ni Buhain na sa kabila ng pagpapaliban ng Asian Age Group na orihinal na nakatakda sa Disyembre 3-6 hanggang Pebrero 26 hanggang Marso 9 sa Clark Aquatics Center, ang mga resulta ng National

Read more on philstar.com