Bulldogs itutuloy ang ratsada | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Walang ibang nasa isip ang National University Bulldogs kundi ang sakmalin ang pang-apat na sunod na panalo laban sa Adamson University sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa UST Quadricentennial Pavilion.
Solo sa No. 2 spot, tangan ng Bulldogs ang 5-1 karta.
Muling kakapitan ng NU sina Jake Figueroa, Omar John at PJ Palacielo para mapahaba ang kanilang winning streak sa apat.
Sina Figueroa, John at Palacielo ang naging susi ng Bulldogs sa kanilang panalo kontra sa Red Warriors.
Para kay head coach Jeff Napa, hinahangan niito ang ipinakikitang magandang laro ng kanyang mga bataan kaya tumibay ang kapit nila sa No. 2.
“I’m at least 40 percent satisfied on their performance,” sabi ni Napa.
Nagtala sina Gambian center John at Figueroa ng 12 points at 10 rebounds.