Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Green Archers itutuloy sa 5-dikit ang pananalasa | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng De La Salle University na panain ang Adamson University para pahabain sa lima ang kanilang winning streak sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Sasandalan ng Green Archers si Kevin Quiambao sa pag-arangkada ng laban sa alas-6 ng gabi.

Tangan ang 7-3 card, solo sa tersero ng team standings ang Taft-based squad habang magkasalo sa tuktok ang University of the Philippines at National University na may magkatulad na 8-2 records.

Naging mabalasik si Quiambao sa kanilang hu­ling laban matapos magtala ng 22 points para buweltahan ang UP, 88-79.

Makakatulong ni Quiam­bao sa opensa sina Evan Nelle at Mike Philips na bumakas ng 17 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod sa panalo nila sa UP.

Samantala, maghaharap sa alas-11 ng umaga ang defending cham­pions Ateneo at University of Sto. Tomas, kasunod ang bakbakan sa pagitan ng UP at University of the East sa ala-1 ng hapon.

Magbabanatan sa pangatlong sultada ang National University at Far Eastern University sa alas-4 ng hapon.

Read more on philstar.com