Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

CHED official inireklamo ng mga estudyante | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ilang mga estudyante sa Our Lady of Fatima University (OLFU) sa Quezon City na imbestigahan at disiplinahin ang isang mataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) sa Luzon dahilan umano sa ilang paglabag sa pamantayan ng moralidad.

Tinukoy ng mga estudyante ang inire­reklamong opisyal na si Dr. Aldrin Darilag ng CHED-Luzon at professor rin sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) sa Pampanga.

Sa kanilang reklamo, sinabi ng isang alyas “Guia”, Tourism student ng OLFU na kaila­ngang paboran ng mga mag-aaral ang gusto ni Darilag para sila ay makapasa at maka-graduate.

Isang halimbawa umano ang reklamo ng isang MBA student na kahit na kumpleto sa lahat ng requirements ay nabigyan pa ng professor ng grading na incomplete.

Nais umano ng professor na makipag-date sa kanya ang napupusuang mag-aaral tulad ng pagpunta sa mga gay bars at kung hindi ay bagsak sa kanyang klase. Ang bagay na ito umano ay naireklamo na kay CHED Chairperson Prospero de Vera III na ipinarating naman sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Hiniling ng mga mag-aaral na imbestigahan ang ginagawa umano nito sa mga mag-aaral na kaniyang kinukursunada.

Read more on philstar.com