Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cignal, Navy angat sa 2-0 | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang Cignal at PGJC Navy na nanaig sa kani-kanyang karibal upang masiguro ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup men’s division kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Sinisid ng Navy Sealions ang 25-20, 25-11-, 25-18 panalo laban sa 3B Marikina City habang namayani naman ang Cignal HD Spikers sa University of Batangas sa pamamagitan ng 25-15, 25-14, 25-16 desisyon.

Nauna nang tinalo ng Navy ang Plaridel, Quezon para makuha ang 2-0 rekord sa Pool C sa torneong suportado ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Richard Bachmann, PLDT, Rebisco, Akari, Foton at CBPI.

Nangunguna rin ang Cignal sa Pool A tangan ang 2-0 baraha.

Tinalo ng HD Spikers ang Savouge Aesthetics sa kanilang unang laro noong nakaraang linggo sa iskor na 25-21, 25-16, 25-22.

Nanaig naman ang VNS Asereht sa Rizal Technological University-Basilan, 25-23, 25-15, 25-23, para mangibabaw sa Pool B bitbit ang 2-0 marka.

Kabilang sa pinataob ng VNS ang University of the East, 25-18,19-25 25-21,25-20.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong araw kung saan haharapin ng Cignal ang Kuya JM-Davao City sa alas-2 ng hapon habang sasagupain naman ng Navy ang Angatleta-Orion, Bataan sa alas-12 ng tanghali.

Magtutuos din ang Volida Volleyball Club at Savouge Aesthetics sa alas-8 ng umaga at ang Jose Rizal University at Marikina sa alas-10 ng umaga.

Read more on philstar.com