POC Golf Cup para sa benepisyo ng mga atleta papalo ngayon sa Luisita | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Idaraos ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kauna-unahang POC Golf Cup ngayong araw, Nobyembre 27, para sa National Athletes’ Trust Fund sa Luisita Golf and Country sa Tarlac.
“It’s going to be an exciting golf event, great camaraderie among participants and to raise funds for our national athletes who bring pride and honor to the country,” ani POC President Abraham “Bambol” Tolentino.
Ang POC sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino ay magbibigay ng mga cash bonuses sa mga atleta na humakot mga medalya sa international stint partikular na sa nakaraang Hangzhou 19th Asian Games ang inaasahang makakatanggap ng kanilang mga insnetibo bago matapos ang holidays season.
Magsisimula ang rehistrasyon ng alas-9 ng umaga at ang shotgun tee ay nakatakda sa alas-10 ng tanghali para sa event na sinusuportahan ng MVP Sports Foundation, Chooks-to-Go, Smart, PLDT, PTA, Asaphil, PhilCycling, PNVF, Philippine Aquatics Inc, Kickboxing Pilipinas, JSAP, PESO, Karate Pilipinas, PSTA, PNSA, NGAP, MTAP, PATAFA, Sambo Pilipinas, Kurash Federation of the Philippines, GAP, SRSAP, PFF, PJF, Vovinam Pilipinas, PEKAF, PRA, POSF, SBP at MBAP.
Ang system 36 format ay ilalapat kasama ang awarding ceremony at raffle na gaganapin sa clubhouse.