Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EDITORYAL - Bagong strategy kaugnay sa West Philippine Sea | Pang-Masa

Mag-iisip na raw ng bagong strategy para magkaroon ng kalutasan ang isyu sa West Philippine Sea (WPS), ito ang ipinahayag ni Pres. Ferdinand Marcos sa interbyu ng mga mamamahayag sa Tokyo, Japan. Sabi ni Marcos, hindi raw umuusad ang “traditional na pamamaraan ng diplomasya” sa China.

Ayon pa sa Presidente, balewala ang ginagawang pakikipag-usap sa China sapagkat sunud-sunod ang mga pangyayari sa WPS. Ang huling pangyayari ay ang insidente ng pagkanyon ng tubig ng China Coast Guard sa barkong magdadala ng supply sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sabi pa ni Marcos, ang kasalukuyang diplomatic efforts sa China ay patungo umano sa “poor direction”. Lagi umanong nagsasahawa traditional me­thods ng diplomasya ang Pilipinas subalit kaunti ang progreso. Mabagal ang pag-usad kaya dapat gumawa ng bagong hakbang o pamamaraan para umusad. Kung hindi umano gagawa ng bagong idea o bagong konsepto, hindi gaganda ang sitwasyon sa WPS.

Kailangan daw kumilos nang mabilis ang Pilipinas sa pagharap sa China sa usapin sa WPS dahil naaapektuhan na ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. Ganunman, sinabi ng Chief Executive na hindi gugustuhin ng gobyerno na umabot sa punto na magkaroon ng insidente na maaaring magdulot ng aktwal na karahasan sa pinagtatalunang teritoryo.

Kung anuman ang sinasabing bagong estratehiya na gagawin ng Pilipinas laban sa pambu-bully ng China ay wala pang nakaaalam. Pero ang isang nakakatuwa ay mayroon nang plano ang pamahalaan kung paano ang gagawing pakikitungo sa China na mistulang inaangkin na ang WPS. Kung makaasta ang CCG at mga China militia vessels ay kanila ang karagatan na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang bagong strategy ay lumutang nang dumalaw si Marcos sa Japan ilang araw na ang nakararaan. Maaring may ipinangako ang Japan sa Pilipinas kaugnay sa ginagawang panggigipit ng China. Sa nangyaring huling pagkanyon ng CCG sa barko ng Pilipinas, maraming bansa ang nagkondena sa ginawa, kabilang ang Japan.

Dapat nang maisakatuparan ang bagong strategy sa China sapagkat maaring magkaroon na naman pagkanyon ng tubig sa barko ng Pilipinas na magdadala ng supply sa BRP Sierra Madre. Bago pa maulit ang

Read more on philstar.com