Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Multilateral joint patrols sa West Philippine Sea asahan sa 2024 | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Asahan na ang mas maraming joint patrols sa West Philippine Sea sa susunod na taon upang maprotektahan ang lugar.

Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar, matapos na magsagawa ang Pilipinas ng air at maritime patrols kasama ang Amerika at Australia.

Aniya, umaasa ang AFP na makakasama nila ang bansang Japan at iba pang bansa na nagpahayag ng kanilang intensiyon na protektahan ang Pilipinas at WPS.

Sinabi ni Aguilar na kailangang palakasin ang alyansa sa ibang bansa upang matiyak na walang makakasakop sa teritoryo ng bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang baguhin ng Pilipinas ang estratehiya upang labanan ang pang-bu-bully sa WPS dahil wala umanong nangyayari sa ‘diplomatic efforts’ ng bansa.

Read more on philstar.com